Geraldine Roman

Geraldine Roman Former Representative of the First District of Bataan. Forever 🧡🫰

Looking forward to meeting all the Equality Champs in Manila....see you there!
24/04/2026

Looking forward to meeting all the Equality Champs in Manila....see you there!

Samahan natin ang Papa León XIV sa pananalangin para sa kapayapaan sa mundo....
13/04/2026

Samahan natin ang Papa León XIV sa pananalangin para sa kapayapaan sa mundo....

United with Pope Leo XIV in praying for peace—lifting our hearts to God, standing in solidarity with all who suffer, and echoing the Church’s unwavering call to end violence and restore justice. May our prayer become a witness to hope, and our lives instruments of reconciliation.

Let us join Pope Leo in praying for peace—-

Lord Jesus,
you conquered death
without weapons or violence:
you shattered its power
with the strength of peace.

Grant us your peace,
as you did to the women
filled with doubt on Easter morning,
as you did to the disciples
who were hiding in fear.

Send forth your Spirit,
the breath that gives life and reconciles,
that turns adversaries and enemies
into brothers and sisters.

Inspire in us to trust in Mary, your mother,
who stood at the foot of your cross
with a broken heart,
firm in the faith that you would rise again.

May the madness of war cease
and the Earth be cared for
and cultivated by those who still know
how to bring forth, protect and love life.

Hear us, Lord of life!
(from Pope Leo’s vigil for peace)

10/04/2026

Ang kasarinlan, kapayapaan, at seguridad na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng sakripisyo ng ating mga beterano. Sa kanilang katandaan, nararapat lamang na masuklian natin ito sa pamamagitan ng maayos at sapat na serbisyong pangkalusugan.

Sa Kongreso, isinulong natin ang mga panukala at batas na magtitiyak na hindi sila mapapabayaan, lalo na sa usaping pangkalusugan. Malinaw ang ating paninindigan: ang pag-aalaga sa ating mga beterano ay hindi pabor, kundi tungkulin.

Ngayong Araw ng Kagitingan, buong puso nating inaalala at pinararangalan ang ating mga beterano—ang kanilang katapangan,...
08/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, buong puso nating inaalala at pinararangalan ang ating mga beterano—ang kanilang katapangan, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal sa bayan.

Hindi natatapos ang ating pasasalamat sa paggunita lamang. Isinasabuhay natin ito sa konkretong pagkilos, sa pamamagitan ng mga batas na ating iniakda, pinangunahan, at isinulong upang tiyakin ang kanilang kapakanan:

Una, bilang principal author ng Republic Act No. 11164, na nagtaas sa buwanang old-age pension ng ating mga beterano mula ₱5,000 tungo sa ₱20,000, isang pagkilalang mas angkop sa kanilang sakripisyo.

Ikalawa, bilang pangunahing tagasuporta ng Republic Act No. 11958, na nagrasyonalisa at nagtaas ng disability pension para sa mga beteranong nasugatan sa serbisyo, upang matiyak na may sapat silang suporta sa gitna ng tumataas na gastos sa gamot at pangangalagang medikal.

Ikatlo, patuloy nating itinutulak ang pagkilala at suporta sa mga naiwang asawa ng ating mga beterano, upang sila man ay mabigyan ng sapat na proteksyon at benepisyo, lalo na ang mga nasa laylayan.

At ikaapat, bilang bahagi ng ating tungkulin, sinuportahan natin ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga beterano, kabilang ang pagpapahusay ng Veterans Memorial Medical Center at ang pagtataguyod ng mga veteran wards sa mga ospital sa probinsya.

Sa bawat hakbang na ating ginagawa, layunin nating ipakita na ang kanilang kagitingan at kabayanihan ay hindi lamang ginugunita, ito ay pinapahalagahan at pinangangalagaan.

Ang kagitingan ng ating mga beterano ang pundasyon ng ating kalayaan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang paglilingkod nang may integridad, malasakit, at tunay na pagmamahal sa kapwa.

Mabuhay ang ating mga beterano. Mabuhay ang diwa ng kagitingan.

ATM:  Awaiting the traditional Salubong with these cute angels in Orani....
04/04/2026

ATM: Awaiting the traditional Salubong with these cute angels in Orani....

04/04/2026

Habang hinihintay natin ang pagdating ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, nais kong ibahagi ang makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw sa aking bayan ng Orani, Bataan.

Higit pa sa lalim ng pananampalataya at mga tradisyong relihiyoso, malinaw na naipapakita sa mga ganitong sandali ang lakas ng pagkakaisa ng ating komunidad. Tulad ng libu-libong pamayanan sa buong bansa, sama-sama nating ipinapahayag hindi lamang ang ating debosyon, kundi pati ang malasakit sa isa’t isa.

Ito ang paalala sa atin na sa tuwing tayo’y nagkakaisa at nagkakabuklod, marami tayong magagawang mabuti, hindi lamang tuwing Semana Santa, kundi sa bawat araw ng ating paglilingkod sa kapwa.




It's that time of the year....a blessed Holy Week everyone!
28/03/2026

It's that time of the year....a blessed Holy Week everyone!

05/03/2026

Nakakabigla. Nakakalungkot. Nakakasuka.

Yes, sexual desire is part of human nature. Ngunit ang kaibahan nating mga tao sa ibang mga nilalang ay ang ating kakayahang magpigil at kumilos nang may pag-galang, disiplina at respeto para sa ating mga batas. May tamang lugar, tamang panahon, at tamang asal para sa lahat ng mga bagay.

This is the reason why I feel the need to condemn the behavior and comments made by Rep. B**g Suntay during yesterday's Justice Committee hearing where he used sexual innuendos allegedly to explain a point. I intentionally waited a day before making a comment to be able to hear his side and provide a fairer opinion on this issue.

Nakasama ko si B**g Suntay noong 18th Congress, at minsan pa nga siyang naging Chair ng Human Rights Committee. Kaya’t lalo akong nagulat sa pangyayari. I expected more from him, lalo na't isa siyang lalaking may asawa at mga anak na babae.

Ang mas nakakaalarma dito ay hindi lamang ang naging pahayag ni Rep. Suntay kundi ang tila kawalan niya ng buo at malalim na pag-unawa kung bakit ito mali. Ang isang tunay na paghingi ng tawad ay hindi lamang basta salita, kundi pagkilala sa pagkakamaling nagawa na may pagpapakumbaba at sinseridad. A forced, unearthed apology is not accountability. It is simply damage control.

Ang kailangan dito ay kumilos ang Ethics Committee ng House of Representatives upang lubos na ipaunawa kay Rep. Suntay at sa taong-bayan na mali ang ganitong behavior.

Bilang mga lingkod-bayan, mas mataas ang inaasahan sa atin, lalo na sa mga gumagawa ng batas, at sangayon sa batas, ang respeto, lalo na sa kababaihan, ay hindi dapat ipinagkakait o ginagawang biro. This type of comments or behavior should never be normalized. This type of behavior should never be tolerated. This type of behavior is illegal.

As a staunch advocate for equality and human rights,
I have seen this country take baby steps - let us not waste the slow, hard-earned progress that we have made so far towards a society that truly respects every woman and every human being's dignity.

13/01/2026

Channeling and reliving my journalist energy in the Spanish TV program Al Cielo. 🧡

Hope you watch  my interview over the weekend  on Radyo Pilipinas' Rainbow Radyo program hosted by Life Coach and LGBT+a...
16/11/2025

Hope you watch my interview over the weekend on Radyo Pilipinas' Rainbow Radyo program hosted by Life Coach and LGBT+advocate Myke Celis. Nagenjoy po ang inyong lingkod...click lang po dito sa link:

https://www.facebook.com/share/v/19xaLKsyY4/

My heart goes out to the families of the victims of the Cebu earthquake which violently shook the region last night kill...
01/10/2025

My heart goes out to the families of the victims of the Cebu earthquake which violently shook the region last night killing more than 60 persons and destroying numerous structures including homes and heritage buildings. Habang pinanonood ko ang mga video ng pinsala na dala ng lindol sa mga buhay ng mga kababayan nating Cebuano ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang kalungkutan. Cebuanos are a cheerful, kind and happy people. I have so many wonderful memories during my visits to the the island. I have personally experienced your warm and hospitable character. But I also know they are a strong people who will survive this crisis. I look forward to the time when I will once more see your smiles. Mahugot nga gakos, mga pinalangga! (Photo credits to ANC News Digital)

Address

Bayan
Orani
2112

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Geraldine Roman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Geraldine Roman:

Share