Barangay Pantalan Bago Orani, Bataan

Barangay Pantalan Bago Orani, Bataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Pantalan Bago Orani, Bataan, Public & Government Service, Pantalan Bago, Orani.

ANUNSYO: Sa Pagdiriwang ng National Lung Month, Ang Rural Health Unit ng Orani ay magsasagawa ng TB Mass Screening na ga...
15/08/2025

ANUNSYO: Sa Pagdiriwang ng National Lung Month, Ang Rural Health Unit ng Orani ay magsasagawa ng TB Mass Screening na gaganapin sa ika 20 ng Agosto, Miyerkules sa Balut Covered Court kaugnay ang Kagawaran ng Kalusugan.

Kabilang dito ang libreng X-ray, PPD Testing, Pag susuri ng Plema at pagbibigay ng Edukasyong Pangkalusugan laban sa sakit na Tuberkulosis.

Ang layunin nito ang maagang pagtuklas, paggagamot at pag iwas laban sa sakit na Tuberkulosis. Hinihikayat ang lahat ng mga taong mas may mataas na panganib o “High risk individuals” gaya ng mga seniors, naninigarilyo, diabetic, may malulubhang sakit at mga taong nakakasalamuha ng sakit na TB para sa gagawing screening.

Hinihikayat din magtungo ang mga taong may sintomas na ubo mahigit dalawang linggo, pabalik balik na lagnat, pagpapawis sa gabi o hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang at kawalan ng gana kumain upang masuri.

Magtungo sa pinakamalapit na health center para sa paunang pag susuri at pagpapalista sa gaganaping gawain.

Healthy Lungs, pa check ka lungs!

TB ay PrevenTED, get TesTED, para Pamilya ay ProtecTED





15/08/2025

ALAM NIYO BA?
Ang mga sintomas ng sakit sa baga ay:
1. Matagal o pabalik-balik na ubo (2 linggo o mahigit)
2. Hirap sa paghinga kahit pa sa konting paggalaw
3. Pananakip ng dibdib sa tuwing humihinga o umuubo

Ngayong National Lung Month, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na laging kumustahin ang inyong mga baga. Sakaling maranasan ang mga sumusunod ay magtungo agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Tandaan, ang maagang pagtuklas sa sakit ay magdudulot ng mas magaan na gamutan; at makapagliligtas ng mga mahal mo sa buhay dahil sa tyansang hindi ka makahahawa kung agad mong malalaman ang iyong sakit.

Alagaan ang inyong mga baga, magpakonsulta agad upang maging kampante sa kalusugan. Gawing malusog ang pamumuhay, umiwas sa bisyo gaya ng sigarilyo at v**e, gayundin ay umiwas sa usok na ibinubuga ng mga naninigarilyo o gumagamit ng v**e.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng smoke-free at TB-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


‼️UPDATE🩸 To our generous community — we care about your safety.Due to the current weather situation, we’ve decided to r...
01/08/2025

‼️UPDATE

🩸 To our generous community — we care about your safety.
Due to the current weather situation, we’ve decided to reschedule the HRPIOI Bloodletting Program for everyone’s safety and comfort.

🗓️ New Date: 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓
🕗 Time: 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌
📍 𝐇𝐑𝐏𝐈𝐎𝐈 𝐒𝐇𝐒 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠

We hope to still see you there — ready to save lives and give hope through your donation.

💻 𝗡𝗼𝘁 𝘆𝗲𝘁 𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱? 𝗝𝗼𝗶𝗻 𝘂𝘀 𝗵𝗲𝗿𝗲: https://forms.gle/4psSiffDmSzrWM8y9

Let’s weather this together — and continue the mission of compassion. ❤️



🩸YOUR BLOOD, THEIR HOPE.🩸

❤️ Your blood can be someone’s miracle.
This July 26, be part of something life-changing. Join the HRPIOI Bloodletting Program and help those in need.

📍 HRPIOI SHS Building
🕗 Starts at 8:00 AM

Whether you’re a Grade 12 Rosarian, a parent, a teacher, alumni, or just someone with a kind heart — we invite you to donate. 💉

💻 Pre-register now: https://forms.gle/4psSiffDmSzrWM8y9

Let’s come together as one community, one purpose, one hope. 🩸

📩 For questions or concerns, feel free to message us at the HRPIOI Official page or reach us at (047)237-0357


30/07/2025

ALAM NIYO BA?
Ang Lalawigan ng Bataan ay mayroong aktibong Provincial Nutrition Committee na pinamumunuan ni Gov. Joet Garcia, habang ang Provincial Nutrition Action Officer naman ay ang Provincial Health Officer II na si Dr. Rosanna M. Buccahan, katuwang ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno at iba pang mga stakeholders.

Ang nasabing komite ay patuloy ang mga isinasagawang aksyon upang masiguro ang pagpapababa ng bilang ng mga malnourished na Bataeño; at dahil din sa aktibong partisipasyon ng bawat miyembro, maganda ang nagiging resulta ng Nutrition Program dito sa Bataan.

Ang bawat hakbang naman na kanilang ginagawa ay ayon sa kanilang Mission at Vision:

Vision - All Bataenos will achieve optimal quality of life through being food secured, well-nourished, and well informed about proper nutrition.

Mission - To effectively implement all key components of nutrition programs and services to be provided to all Bataenos which shall involve the participation of provincial government agencies, stakeholders and partners for a holistic, multi-sectoral and multidisciplinary approach.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigang sinisiguro ang seguridad ng masustansyang pagkain para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


30/07/2025

ALAM NIYO BA?
May sampung (10) simpleng alituntunin para masiguro ang malusog na pamumuhay. Ito ay ang 10 KUMAINMENTS! Simple at madaling sundin ninuman, kaya't sabay-sabay natin itong isabuhay para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

I. Kumain ng iba't-ibang pagkain.

II. Sa unang 6 months ni baby, breastfeeding lamang; mula 6months, bigyan din siya ng ibang angkop na pagkain.

III. Kumain ng Gulay at prutas araw-araw.

IV. Kumain ng isa, karne, at ibang pagkaing may protina.

V. Uminom ng gatas; kumain ng pagkaing mayaman sa calcium.

VI. Tiyaking malinis at ligtas ang ating pagkain at inumin.

VII. Gumamit ng iodized salt.

VIII. Hinay-hinay sa maaalat, mamantika at matatamis.

IX. Panatilihin ang tamang timbang.

X. Maging aktibo. Iwasan ang alak; huwag manigarilyo.

Tandaan din, ang malusog na pamumuhay ay magdadala ng masagana at masayang buhay. Iwas sa sakit, iwas sa problema! Alinsunod sa adhikain ng PPAN, sama-sama tayo sa pagkamit ng nutrisyong sapat para sa lahat!


30/07/2025

MAHALAGANG PAALALA PARA SA MGA LUMUSONG SA BAHA

Sa panahon ng bagyo, hindi maiiwasan ang pagbaha, gayundin ang banta ng leptospirosis. Isang sakit na dulot ng bacteria na 'leptospira' na galing sa ihi ng daga, kabayo, kambing, a*o, baboy, at iba pang hayop, at kadalasang humahalo sa tubig baha at putik na maaari namang puma*ok sa mga sugat, bitak sa balat, mata, ilong, at bibig ng tao kapag lumusong sa baha at putikan.

Kung kaya't inirerekomenda ng Bataan Provincial Health Office para sa mga indibidwal na hindi maiwasan ang paglusong sa baha, na nasa edad 9 pataas, na uminom ng DOXYCYCLINE sa loob ng 24-72 oras mula sa exposure (paglusong sa baha).

Kapag ikaw ay walang sugat ngunit lumusong nang isang beses sa baha, uminom ng 2 kapsula pagkatapos kumain. Ito ay isang beses lamang kinakailangang gawin para sa ganitong ka*o.

Kapag naman ikaw ay may sugat at lumusong nang isang beses sa baha, kinakailangan uminom ng 2 kapsula pagkatapos kumain, isang beses kada araw sa loob ng tatlong (3) araw.

Samantala, kapag tuloy-tuloy naman ang iyong paglusong sa baha, kinakailangang uminom ng 2 kapsula isang beses kada linggo hanggang sa hindi na kinakailangang lumusong sa baha.

Mahalaga ring tandaan na ito ay bawal inumin ng mga buntis, nagpapasuso, at mga batang nasa edad 8 pababa. Gayundin, bawal itong isabay sa pag-inom ng antacids, multivitamins, calcium, at iron supplement. Kung hindi maiiwasan, magbigay lamang ng 2 oras na pagitan bago inumin.

Ang DOXYCYCLINE ay libre sa mga primary health facility, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar.

Inirerekomenda pa rin na hanggat maaari ay huwag lumusong sa baha, maging mapagmatyag, maingat, at sumunod sa opisyal na panawagan ng pamahalaan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang komunidad na maalam para sa pag-ahon ng mas matatag na pamilyang Bataeño.


30/07/2025
30/07/2025

ALAM NIYO BA?
Gaganapin ang malawakang blood donation drive sa The Bunker sa darating sa ika-16 ng Hulyo. Ito ay sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Office, bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pagdiriwang ng National Blood Donor's Month ngayong buwan.

Hinihikayat ang lahat na nasa edad 18 pataas na may timbang na higit sa 50kg. na makiisa sa gawaing ito.

Bukod sa tulong na maihahatid ng dugo sa mga nangangailangan, ang pag-donate ng dugo ay may benepisyong hatid sa pisikal at mental na kalusugan gaya na lang ng pag-develop ng mga bagong blood cells.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang nagtutulungan na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


30/07/2025

𝗜𝗡𝗧𝗥𝗢𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧 | As we celebrate Nutrition Month, may this be a reminder for every family to embrace nutritious habits and work together toward a stronger, smarter, and healthier community.

“In the heart of every strong and thriving community lies a healthy family. Here in the Province of Bataan, we believe that proper nutrition begins at home-with informed choices, balanced meals, and a shared commitment to the well-being of each family member. Good nutrition is not just about food; it is about nurturing a lifestyle that promotes physical strength, mental sharpness, and emotional resilience.

When families prioritize health, children grow up smarter and stronger, parents become more productive, and the whole household becomes a model of wellness. Together, let us empower every Bataeño family to make nutrition a daily priority for a healthier home, a more vibrant community, and a brighter future for all.”

-Dr. Rosanna M. Buccahan, MPM
Provincial Nutrition Action Officer/
Provincial Health Officer II

Let this Nutrition Month serve not only as a celebration but also as a renewed call to action—for every home to become a cradle of healthy habits, and for every family to take part in building a nourished, empowered, and resilient Bataan. Together, we move toward a future where health is not just a goal, but a way of life.

30/07/2025

ALAM NIYO BA?
Ngayong July 2025 ang ika-51 anibersaryo ng selebrasyon ng National Nutriton Month na may temang "Food at Nutrition Security, Maging Priority: Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!", at ito'y umiikot pa rin sa tema ng 2023-2028 na "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!".

Kasama ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, nakikiisa ang Bataan Provincial Health Office sa pagdiriwang na ito. Gayundin, hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programa at mga polisiyang ipinatutupad upang makamit ang seguridad sa masustansyang pagkain at tuluyang mapababa ang malnutrisyon dito sa Lalawigan ng Bataan.

Tandaan, ang laban sa malnutrisyon ay makakamit kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay sasali sa epektibong pagpapatupad ng mga programa't polisiya para sa pagkamit ng sapat na produksyon ng masusustansyang pagkain.

Dapat din nating isaalang-alang na hindi basta "pagkain" lang ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao kundi dapat ay "masustansyang pagkain". Karapatan din ng isang tao na makatiyak sa access ng sapat na suplay ng masustansyang pagkain at malinis na tubig.

Suportahan ang mga ipinatutupad na ordinansa dito sa Bataan, sama-sama nating gawing prayoridad ang seguridad sa masustansyang pagkain para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Address

Pantalan Bago
Orani
2112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Pantalan Bago Orani, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share