Brgy. Wawa Health Station

Brgy. Wawa Health Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Wawa Health Station, Government Organization, Wawa, Orani.

Official page of Barangay Wawa Health Station (Orani, Bataan)

Created for updates on schedule, announcement, health activities, and other health updates.

DOH: ALAMIN ANG MGA SINTOMAS AT PARAAN KONTRA LEPTOSPIROSISDetalye sa comment section.
07/09/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA SINTOMAS AT PARAAN KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.





CHIKIKITING LIGTAS! 📣 BAKUNAHANG BAYANIHAN KONTRA TIGDAS AT TIGDAS HANGIN 💉📢 Paanyaya sa mga Magulang!Inaanyayahan ang l...
27/08/2026

CHIKIKITING LIGTAS!

📣 BAKUNAHANG BAYANIHAN KONTRA TIGDAS AT TIGDAS HANGIN 💉

📢 Paanyaya sa mga Magulang!

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang ng mga batang 6–59 buwang gulang na hindi pa nababakunahan na makiisa sa Bakunahang Bayanihan Kontra Tigdas at Tigdas Hangin.

📍 Orani Rural Health Unit
đź“… Biyernes, Agosto 28, 2026
⏰ 8:00 AM – 3:30 PM

đź’‰ Protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at tigdas hangin! Dalhin ang inyong mga anak sa Orani RHU para sa pagbabakuna.

📌 PAUNAWA: Mangyaring dalhin ang Bakuna Card ng inyong mga anak.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

✨ Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 👶💉Matagumpay na naisagawa ang MR SIA noong August 11, 2026...
14/08/2026

✨ Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 👶💉

Matagumpay na naisagawa ang MR SIA noong August 11, 2026 sa Barangay Wawa.

Maraming salamat sa ating DOH Midwives Kath Alba at Nerisa Valdez, at sa masisipag nating BHWs Mercy Garcia, Rosario Nuguid, at Marites Yumol sa kanilang oras at suporta sa aktibidad.

Taos-pusong pasasalamat din kay Kap. Race Basangan at Konsehala Irma Chavez sa kanilang suporta sa ating mga programang pangkalusugan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at tumulong. 💉❤️

‼️ Sa mga hindi pa po nababakunahan na 6-59 mos, maari po kayo magpunta ng Health Center para po sa bakuna.

📢 ANNOUNCEMENT Tuloy po BUKAS (August 11) same time schedule at place po ang MR SIA. Maraming salamat po.
10/08/2026

📢 ANNOUNCEMENT
Tuloy po BUKAS (August 11) same time schedule at place po ang MR SIA. Maraming salamat po.

📢 MR SIA 2026
MEASLES-RUBELLA VACCINATION đź’‰

Inaanyayahan ang mga magulang/tagapag-alaga na may mga batang 6–59 months old na dumalo sa MR SIA Lecture and Vaccination.

đź“… August 10, 2026 (Lunes)
⏰ 8:30 AM–11:30 AM
📍 Wawa Health Center

🛡️ Bakit mahalaga?
Ang MR SIA ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa Measles at Rubella, mga nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

📌 REMINDERS:
• Magdala ng Birth Certificate ng bata
• Magdala ng Valid ID ng magulang/tagapag-alaga na kasama
• Bukas din ang rescheduled Routine Immunization para sa mga batang may nakatakdang schedule ng bakuna ngayong buwan

Bakuna ay proteksyon. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak! ❤️💉

ANNOUNCEMENT ‼️CANCEL PO ANG SCHEDULE NG MR-SIA NGAYONG ARAWMag-wait po ulit ng announcement kung kailan ang rescheduled...
09/08/2026

ANNOUNCEMENT
‼️CANCEL PO ANG SCHEDULE NG MR-SIA NGAYONG ARAW

Mag-wait po ulit ng announcement kung kailan ang rescheduled date.

Mag-stay muna po sa bahay kung maari at huwag lumusong sa baha lalo na ang mga bata.

Maraming salamat po.

📢 MR SIA 2026
MEASLES-RUBELLA VACCINATION đź’‰

Inaanyayahan ang mga magulang/tagapag-alaga na may mga batang 6–59 months old na dumalo sa MR SIA Lecture and Vaccination.

đź“… August 10, 2026 (Lunes)
⏰ 8:30 AM–11:30 AM
📍 Wawa Health Center

🛡️ Bakit mahalaga?
Ang MR SIA ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa Measles at Rubella, mga nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

📌 REMINDERS:
• Magdala ng Birth Certificate ng bata
• Magdala ng Valid ID ng magulang/tagapag-alaga na kasama
• Bukas din ang rescheduled Routine Immunization para sa mga batang may nakatakdang schedule ng bakuna ngayong buwan

Bakuna ay proteksyon. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak! ❤️💉

PAALALA NGAYONG PANAHON NG HABAGAT!Iwasan ang 'WILD' diseases (Water-borne diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue...
09/08/2026

PAALALA NGAYONG PANAHON NG HABAGAT!
Iwasan ang 'WILD' diseases (Water-borne diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue)! Ito ang mga sakit na mas malaki ang banta sa ating kalusugan ngayong panahon ng bagyo.

Mga sakit na dulot ng mga mikroorganismo, bacteria, at virus na hindi natin agad-agad makikita gamit lamang ang ating mga mata, kung kaya't kinakailangan nating mag doble-ingat upang maiwasan ang mga komplikasyon o di kaya'y kamatayan na maaari nitong idulot.

Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na patuloy na gawin ang mga sumusunod:

✅️Siguraduhin na malinis at ligtas ang tubig na inyong iniinom at ginagamit; gayundin ang pagkain na inyong kakainin, siguraduhing ito ay maayos na naluto.

✅️Panatilihing malinis ang katawan; ugaliing maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon

✅️Siguraduhing malinis ang kapaligiran at tama ang paraan ng pagtatapon ng basura upang maiwasan ang baha at upang walang pamugaran ang mga lamok at insektong magdudulot ng sakit.

✅️Ugaliing linisin at i-disinfect ang mga kagamitan sa bahay; itaob ang mga maaaring maipunan ng tubig gaya ng mga bote, gulong, o timbang hindi ginagamit.

✅️Umiwas sa baha; huwag maglaro, lumusong, o lumangoy sa tubig baha

✅️Gumamit ng payong, kapote, at bota

✅️Magpabakuna kontra influenza at hepatitis

✅️Iwasan ang malapit na pakikipag-usap sa mga taong may sakit, lagnat, ubo at sipon

Maging maingat, maalam, at mapagmatyag para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


📢 MR SIA 2026 MEASLES-RUBELLA VACCINATION 💉Inaanyayahan ang mga magulang/tagapag-alaga na may mga batang 6–59 months old...
09/08/2026

📢 MR SIA 2026
MEASLES-RUBELLA VACCINATION đź’‰

Inaanyayahan ang mga magulang/tagapag-alaga na may mga batang 6–59 months old na dumalo sa MR SIA Lecture and Vaccination.

đź“… August 10, 2026 (Lunes)
⏰ 8:30 AM–11:30 AM
📍 Wawa Health Center

🛡️ Bakit mahalaga?
Ang MR SIA ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa Measles at Rubella, mga nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

📌 REMINDERS:
• Magdala ng Birth Certificate ng bata
• Magdala ng Valid ID ng magulang/tagapag-alaga na kasama
• Bukas din ang rescheduled Routine Immunization para sa mga batang may nakatakdang schedule ng bakuna ngayong buwan

Bakuna ay proteksyon. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak! ❤️💉

MAGPABAKUNA UPANG MAPROTEKTAHAN ANG PAMILYA!Sa darating na ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto, magsasagawa ang ating mga R...
05/08/2026

MAGPABAKUNA UPANG MAPROTEKTAHAN ANG PAMILYA!

Sa darating na ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto, magsasagawa ang ating mga Rural Health Units, Health Centers o sa mga vaccination sites ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) upang maprotektahan ang ating mga bata laban sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (rubella).

Ang nasabing bakuna ang pinakamabisa at pinakaligtas na paraan upang maiwasan ang mga sakit na ito at ang mga komplikasyong maaari nitong idulot. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, hindi lamang ang inyong anak ang napoprotektahan, kundi pati ang buong pamilya at komunidad.

Makipag-ugnayan po sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU), Health Center, o sa itinakdang vaccination site sa inyong barangay para sa iskedyul ng pagbabakuna.
Paalala lamang po na libre, ligtas, at mahalaga ang bakuna. Sama-sama po nating protektahan ang kalusugan ng ating mga anak at buong komunidad.

05/08/2026

Sa darating na ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto, magsasagawa ang ating mga Rural Health Units, Health Centers o sa mga vaccination sites ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) upang maprotektahan ang mga batang nasa edad 6-59 months laban sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (rubella).

Makipag-ugnayan po sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU), Health Center, o sa itinakdang vaccination site sa inyong barangay para sa iskedyul ng pagbabakuna.

Paalala lamang po na libre, ligtas, at mahalaga ang bakuna. Sama-sama po nating protektahan ang kalusugan ng ating mga anak at buong komunidad.

💗 AUGUST IS NATIONAL BREASTFEEDING AWARENESS MONTH! 🤱Ngayong buwan ng Agosto, ating ipagdiwang ang National Breastfeedin...
05/08/2026

💗 AUGUST IS NATIONAL BREASTFEEDING AWARENESS MONTH! 🤱

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipagdiwang ang National Breastfeeding Awareness Month sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang kaalaman at pagbibigay-suporta sa bawat breastfeeding mother.

Ang breastfeeding ay isa sa pinakamagandang regalo ng isang ina sa kanyang anak—nagbibigay ito ng kumpletong nutrisyon, proteksyon laban sa sakit, at mas matibay na ugnayan ng mag-ina.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na sumusuporta sa pagpapasuso para sa mas malusog na mga sanggol, mas malusog na mga ina, at mas malusog na kinabukasan.

Every Drop of Milk is a Drop of Love. 💕🤱

Address

Wawa
Orani
2112

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Wawa Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share