16/09/2026
๐ก๏ธ KAALAMAN ANG UNANG SANDATA: PINALALAKAS ANG BPAT AT PUROK LEADERS
Bilang bahagi ng adbokasiya ng ating Punong Barangay, Hon. Erma S. Manalang, para sa patuloy na pagkatuto at pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng ating mga kasamang nagbibigay-serbisyo sa mga kabarangay, isinagawa ngayong araw ang isang Seminar para sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga Purok Leaders ng Barangay East Bajac-Bajac.
Layunin ng nasabing pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman ng ating mga community frontliners upang maging mas handa, responsable, at epektibo sa pagtugon sa mga usapin ng peace and order, public safety, cyber awareness, crime prevention, at anti-drug campaign sa ating komunidad.
Bilang bahagi ng programa, nagbahagi si PAT RICA JEAN LAURENTE mula sa PNP Olongapo Cyber Response Office ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Cyber Awareness, partikular sa pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng online platforms at sa pag-iwas sa mga panganib at panlilinlang sa cyberspace.
Tinalakay naman nina PSSg NYEL FER S FARRALES, CAD PNCO, at PAT JENISA B NARIS, Assistant CAD PNCO, OCPO-PS1, ang mga mahahalagang usapin ukol sa Theft Prevention and Robbery Prevention. Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, maagap na pag-iwas sa krimen, at pakikipagtulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Nagbigay rin ng kaalaman si IA III AMIR M ESTANISLAO, Assistant Provincial Officer ng PDEA, hinggil sa Functions of PDEA, Roles of the Barangay in the Anti-Drug Campaign, Drug Abuse Prevention Education, at mga mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagsasanay na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Barangay East Bajac-Bajac na palakasin ang kakayahan ng ating mga katuwang sa serbisyo. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-aaral at pagsasanay, mas napaghahandaan ng ating BPAT at Purok Leaders ang kanilang mahalagang papel bilang mga katuwang ng barangay sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at mapayapang komunidad.
Sa pangunguna ni Hon. Erma S. Manalang, patuloy nating isinusulong ang prinsipyo na ang serbisyong publiko ay nangangailangan ng patuloy na pagkatuto, paghahanda, at pakikipagtulunganโsapagkat ang mas may kaalaman at mas handang tagapaglingkod ay mas maaasahang katuwang ng ating mga kabarangay.
Maraming salamat sa ating mga resource persons, BPAT, Purok Leaders, at lahat ng nakiisa sa makabuluhang pagsasanay na ito. Patuloy tayong matuto upang patuloy na makapaglingkod. ๐ค๐