05/06/2026
Taos-pusong pasasalamat po kay Konsehal Joshua Gardon sa inyong ipinagkaloob na mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Barangay New Banicain.
Ang inyong kabutihang-loob at suporta sa edukasyon ay malaking tulong upang mahikayat at masuportahan ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Tunay na inspirasyon ang inyong malasakit para sa kinabukasan ng ating komunidad.
Muli, mula sa mga mag-aaral, magulang, at buong Barangay New Banicain, maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod at pagtulong sa ating mga kababayan. ❤️