25/09/2025
Magandang araw po! Magandang balita po sa lahat! Pumasa na po sa Sangguniang Panlungsod ang 2025 Supplemental Budget. Gusto ko pong magpasalamat kay VM Kaye Legaspi sa kanyang magandang pamumuno ng Sanggunian at kina Kgd Jamiel Escalona, Tata Paulino, Rody Catalogan, Atty Noel Atienza, BJ Cajudo, Ying Anonat at IPMR Barry Esteban sa pagsuporta po sa ordinansang ito. Sa mga tumutol, Kgd Vic-Vic Magsaysay, Gie Baloy, Tet Marzan, Kap Echie Ponge at SK Ysay Hernandez, salamat din po sa mga input niyo.
Para po sa full transparency, nasa picture po ang mga pag gagamitan ng ating supplemental budget. Para mag-highlight lang po:
Mapopondahan na natin ang Parking Building sa tabi ng City Hall upang tugunan ang kawalan ng parking sa lugar ng ating munisipyo. Sa health naman po, ipapagawa na po natin ang nasira nating CT-scan at bibili pa po tayo ng isa pang CT-scan para mas maraming maserbisyuhang pasyente. Kasama din po dito ang patuloy pang pagpapabuti sa mga wards ng ospital upang maging mas komportable ito. Mamimili rin po tayo ng mga sasakyan para sa mga barangay at bibili po ng isa pang bus na magagamit po ng kahit sinong taga-Olongapo. Papagandahin din po natin lalo ang Marikit Park at harap ng City Hall.
Ilan lamang po ito sa mga pag gagamitan ng budget. Hindi po ibig sabihin na ito lang po ang gagawin at ginagawa natin. Dagdag lamang po ito. Hindi po madaling magbalanse ng mga pag gagastusan natin pero best effort po tayong matugunan lahat ng pangangailangan ng bawat sector.
Para mas maliwanag lang po, ang halagang nakalagay diyan ay ang nakalaang pondo. Dadaan pa rin po sa bidding ang mga yan kaya siguradong bababa pa po ang magagastos natin. Para po sa kaalaman ng lahat, ang pera po ay nanggaling sa mga natitipid po natin sa mga transactions, naipon po natin ito. Wala po tayong hindi tinuloy na project o programa para lamang maipon ang budget na ito.
Sa panahon ngayon, mas maganda na din siguro yung biglang nagkakaroon ng pera ang gobyerno kesa biglang nawawala. As always, bukas po ang Mayor’s office para po sa mga tanong at suggestions.
Salamat at God bless Olongapo. -Mayor Atty. Rolen Paulino Jr.

Salamat at God bless Olongapo.