04/01/2026
Disyembre 17, 2025 | Orientation on Hog Production, Management, and Enterprise
Matagumpay na naisagawa ang orientation para sa ikalawa at ikatlong batch ng mga benepisyaryo ng Hog Dispersal Project mula sa iba’t ibang Wives of Farmers and Fisherfolk Associations.
Ang Hog Dispersal Project, na nagsimula noong Disyembre 2024, ay nagpakita na ng mga positibong resulta dahil ang ilan sa mga naipamahaging inahin ay nanganak na.
Lubos ang ating pasasalamat sa ating Livestock Coordinator, PJ Montoya, R.Ag., Agricultural Technologist ng MAO–LGU Odiongan, sa kanyang pagbabahagi ng wastong kaalaman at sa kanyang patuloy na pagtulong at paggabay sa matagumpay na pagpapatupad ng proyekto.
Layunin ng naturang pagsasanay na ihanda ang mga susunod na benepisyaryo sa tamang pag-aalaga at pamamahala ng baboy, pati na rin sa wastong waste disposal, upang matiyak ang maayos, ligtas, at sustenableng pagpapatupad ng programa