Odiongan Public Information Office

Odiongan Public Information Office The official page of the Odiongan Public Information Office.

07/09/2026
07/09/2026

Kawani ng LGU Odiongan, Nakiisa sa Masiglang Zumba Dance Session para sa Civil Service Month

September 3, 2026 | Naging masigla ang hapon sa tapat ng Municipal Building sa isinagawang Zumba Dance Session ng mga kawani ng LGU Odiongan, sa pangunguna ng Odiongan Dance Fitness Association (ODFA).

Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month at pagtataguyod ng aktibo at malusog na pamumuhay. Nakiisa rin si Mayor Toto Fodra kasama ang mga kawani mula sa iba't ibang tanggapan.

Silipin ang ilang masasayang sandali mula sa aktibidad!


Kawani ng LGU Odiongan, Nakiisa sa Masiglang Zumba Dance Session para sa Civil Service Month September 3, 2026 | Naging ...
07/09/2026

Kawani ng LGU Odiongan, Nakiisa sa Masiglang Zumba Dance Session para sa Civil Service Month

September 3, 2026 | Naging masigla ang hapon sa tapat ng Municipal Building noong Setyembre 3 sa isinagawang Zumba Dance Session ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Odiongan Dance Fitness Association (ODFA).

Inihanda ang naturang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) upang isulong ang aktibo at malusog na pamumuhay sa Pamahalaang Bayan ng Odiongan. Ang programang ito ay bahagi ng pakikiisa ng munisipyo sa pagdiriwang ng Civil Service Month sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1050.

Nakiisa rin si Mayor Toto Fodra kasama ang mga empleyado mula sa iba't ibang tanggapan ng LGU, sa masayang pag-ehersisyo at pagpapawis para sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.
Silipin ang ilang mga masayang moments ng ginanap na Zumba Dance Session!


07/09/2026
33 PWD Beneficiaries, Nakatanggap ng Municipal Social Pension sa Odiongan Isinagawa sa tanggapan ng Persons with Disabil...
07/09/2026

33 PWD Beneficiaries, Nakatanggap ng Municipal Social Pension sa Odiongan

Isinagawa sa tanggapan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang distribution ng Municipal Social Pension para sa mga Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Odiongan.

Nakatanggap ng tig-₱1,500 cash assistance ang 33 PWD beneficiaries bilang dagdag-pantulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay at kalusugan. Naging katuwang sa pamamahagi si Mayor Roger "Toto" Fodra na personal na nag-abot ng tulong at nagpaabot ng kanyang malasakit sa bawat isa.

Patuloy ang paghahatid ng LGU Odiongan ng mga programang naglalayong magbigay ng kalinga at patas na oportunidad para sa bawat mamamayan.


KALAHI-CIDSS Odiongan, Nagsagawa ng Mid-Year Performance Review at 2027 Budget PlanningSeptember 3-4, 2026 | Sinuri sa M...
07/09/2026

KALAHI-CIDSS Odiongan, Nagsagawa ng Mid-Year Performance Review at 2027 Budget Planning

September 3-4, 2026 | Sinuri sa Mid-Year Performance Review and Budget Planning ng KALAHI-CIDSS sa ilalim ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP) ang mga naging accomplishment at mga kinakailangang paghahanda para sa pagpapatupad ng mga programa at sub-projects sa susunod na taon.

Kabilang sa mga tinalakay ang PCRP Milestone Oriented Plan, kung saan ipinakita ang MOP Tracker para sa Odiongan, at ang Accomplishment Report na naglatag ng naging partisipasyon ng mga barangay sa isinagawang tatlong araw na Participatory Risk and Vulnerability Assessment Workshop na binubuo ng Community Walkthrough and Risk Mapping, Focus Group Discussion, at PRVA Workshop.

Inilahad ni Area Coordinator Joarnnie Fontamillas ang provisional 2027 Community Resilience and Investment Plan (CRIP) Activities, na magsisilbing bahagi ng paghahanda para sa mga aktibidad na isasagawa sa susunod na taon. Kasabay nito, tinalakay ang LCC Utilization Status Report at isinagawa ang pagpaplano para sa PCRP sub-project implementation at Work and Financial Plan (WFP) 2027 Workshop.

Binigyang-halaga sa pagtitipon ang pagtutulungan ng Municipal Community Teams (MCTs), Municipal Resilience Team (MResT), at mga Barangay Captain sa pagpapatupad ng mga gawaing nakatuon sa pagpapalakas ng mga barangay. Kinilala ang naging partisipasyon ng MResT at ang pakikipagtulungan ng mga barangay sa matagumpay na pagsasagawa ng MRP Workshop, na naglalayong matukoy at matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupang barangay.

Tiniyak ng KALAHI-CIDSS Odiongan na ang mga susunod na hakbang ng PCRP ay mananatiling nakaayon sa mga pangangailangan at prayoridad ng mga barangay, tungo sa mas organisado at mas maayos na pagpapatupad ng mga programa para sa mga barangay ng Odiongan.


Odiongan National High School, Sumailalim sa School Mini-Integrated ExerciseSeptember 3, 2026 | Pinalakas ang kahandaan ...
07/09/2026

Odiongan National High School, Sumailalim sa School Mini-Integrated Exercise

September 3, 2026 | Pinalakas ang kahandaan ng Odiongan National High School sa pagtugon sa posibleng shooting incident sa pamamagitan ng isinagawang School Mini-Integrated Exercise (SMIX) sa paaralan.

Pinangunahan ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), katuwang ang SWAT team, ang lecture at classroom simulation na isinagawa kasama ang administrasyon ng ONHS, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Tinalakay sa lecture ang mga pangunahing hakbang sa pagtugon sa shooting incident, na sinundan ng classroom simulation kung saan isinagawa ng mga mag-aaral ang mga response measure, kabilang ang pagtatago at lockdown.

Kabilang sa mga nanguna sa aktibidad sina PMAJ Dennis M. Rivera, Acting Chief of Police ng OMPS; FINSP Joey G. Selorio, Acting Municipal Fire Marshal ng BFP; at LDRRMA Kate Inocencio ng MDRRMO, na nagbahagi ng gabay sa emergency response at rescue.

Isinagawa ang SMIX bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng paaralan at koordinasyon ng mga katuwang na ahensya sa pagtugon sa emergency.


07/09/2026

Address

2F Left Wing, Odiongan Municipal Building
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share