05/09/2026
May 729 scholarship slots na available sa ilalim ng 2026 Scholarship Programs ng TESDA Provincial Office – Romblon, para sa mga kwalipikadong Romblomanon na nais magkaroon ng dagdag na kasanayan at sertipikasyon para sa trabaho, kabuhayan, at career development.
Kabilang dito ang Special Training for Employment Program (STEP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), at Coconut Farmers Scholarship Program (CFSP).
Para sa mga interesadong mag-apply, tingnan ang mga detalye at contact information sa official TESDA announcement sa ibaba.
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto, magkaroon ng bagong kasanayan, at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa trabaho at kabuhayan.