03/09/2026
๐๐ช๐ก๐ ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ๐๐ฃ: 30 ๐ผ๐๐ฝ๐จ, ๐๐ง๐๐๐ช๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐ข ๐ฝ๐ช๐จ๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก (๐๐ฝ๐)
Isinagawa ngayong Setyembre 3, 2026 ang Farm Business School (FBS) Graduation Ceremony sa San Andres Covered Court, Poblacion, San Andres, Romblon, na pinangunahan ng Department of Agrarian Reform Provincial Office (DARPO) - Romblon.
Dinaluhan ang okasyon ng mga kalahok mula sa Agrarian Reform Cooperative of Agpudlos (ARCA), Local Government Unit (LGU) ng San Andres, Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) at ng mga kinatawan ng Department of Agriculture bilang pagkilala sa tagumpay ng ARCA tungo sa pagiging mahuhusay na agri-entrepreneurs.
Simula noong Agosto, tatlumpung (30) miyembro ng ARCA ang naging mag-aaral sa FBS Program na nais maging agri-entrepreneurs. Natapos nila ang mga modules na sumasaklaw sa business planning, financial management, marketing, at sustainable farming practices.
Layunin nito na mabigyan ng praktikal na kaalaman at mapalakas ang kapasidad ng mga ARBs upang mapatakbo ang kanilang sakahan bilang isang tunay na negosyo para sa pangmatagalang kaunlaran ng kanilang pamilya at komunidad.
Sa pamamagitan nito, ang mga natutunan nilang aktwal na operasyon ay magiging daan para sa pagpapalago ng kanilang kooperatiba, habang patuloy ang suporta ng DARPO Romblon, Lokal na Pamahalaan, at ng mga katuwang na ahensiya sa probinsya.
Lubos ang pasasalamat ng DARPO-Romblon sa mga naging bahagi at sumuporta para maging matagumpay ang programa!
# DARPORomblon