Kagawad Erlyn Pastrana Sarmiento

Kagawad Erlyn Pastrana Sarmiento Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kagawad Erlyn Pastrana Sarmiento, Government Organization, Sitio tabing dagat, Panique, Odiongan.

Ang kalusugang pangkaisipan ay kasing halaga ng pisikal na kalusugan.Patuloy tayong mag-aral at magtaguyod ng Mental Hea...
22/04/2026

Ang kalusugang pangkaisipan ay kasing halaga ng pisikal na kalusugan.
Patuloy tayong mag-aral at magtaguyod ng Mental Health Law para sa mas ligtas at maalagang komunidad.
Mas matibay ang komunidad kung may malasakit sa mental health.
Simula sa kaalaman, patungo sa aksyon. πŸ’™

20/04/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa lahat!

Inaanyayahan po namin ang mga may gulayan o garden, kahit individual, na registered sa DA (Department of Agriculture).

πŸ“Œ Magpalista lamang po ang mga may tanim na gulay (halimbawa: assorted vegetables) na kayang mag-supply ng 100 pcs pataas bawat uri.

Ito po ay ayon sa request ng DA, na nangangailangan ng listahan ng mga farmers na nagtatanim ng gulay upang ma-check kung sila ay registered at maisama sa listahan ng mga posibleng mabigyan ng ayuda at iba pang programa.

πŸ“Œ Pakicomment o mag-message po ng mga sumusunod:
β€’ Pangalan
β€’ Uri ng gulay
β€’ Dami ng kayang i-supply
β€’ Lokasyon

Makipag-ugnayan lamang po sa amin para kayo ay maitala.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! 🌱

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | LCW MEETING & ELECTIONMagandang araw po sa ating lahat! πŸ’™Inaanyayahan po ang lahat ng Leader/President ...
17/04/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | LCW MEETING & ELECTION

Magandang araw po sa ating lahat! πŸ’™

Inaanyayahan po ang lahat ng Leader/President ng mga organisasyon ng kababaihan sa ating barangay para sa gaganaping:

πŸ—“ LCW Meeting at Election (2026–2028 Officers)
πŸ“… April 20, 2026 (Lunes)
⏰ 8:30 AM – 9:30 AM
πŸ“ Panique Barangay Hall

Ang meeting na ito ay para sa re-election ng LCW Officers na magpapatuloy sa pagsuporta at pagpapaunlad ng women’s sector sa ating barangay.

πŸ“Œ Inaanyayahan ang mga kinatawan mula sa mga sumusunod:
β€’ LCW / KALIPI
β€’ Spouses of Fisherfolks & Farmers
β€’ PWD
β€’ Solo Parents
β€’ Farmers & Fisherfolks
β€’ Zumba / Vendors
β€’ BAPA, PTCA, SLPA, at iba pa
β€’ Mga women leaders mula sa religious sectors (IFI, Roman Catholic, Foursquare, Baptist, SDA, atbp.)

πŸ™ Inaasahan po ang inyong pakikiisa at suporta.

Maraming salamat po! πŸ’

03/04/2026

πŸ“’ ANUNSIYO PARA SA MGA TAGA-SITIO BOLIGANAY, BARANGAY PANIQUE

Magandang araw po sa lahat!

Bilang nakatalaga at naka-assign na Kagawad sa Sitio Boliganay, ako po ay gagawa ng group chat para sa lahat ng constituents ng ating sitio. Layunin po nito na mas mapadali ang ating komunikasyon, lalo na kung may mga hinihinging datos ang barangay at para sa maayos na pagpapalista ng mga kwalipikado sa mga ayuda na ibinibigay ng gobyerno.

Sa pamamagitan po ng group chat na ito:
βœ… Mas mabilis ang paghingi at pagbigay ng impormasyon
βœ… Mas maayos ang listahan ng mga benepisyaryo
βœ… Makakatulong din ito sa ating mga BHW na laging nagsasagawa ng data gathering sa sitio

πŸ“Œ Kung nais po ninyong mapasama, paki-PM lang po ako para ma-add ko kayo sa group chat.

Ito po ay isang paraan para mapadali ang proseso ng ating barangay at masigurong walang maiiwan sa mga dapat makatanggap ng tulong.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! πŸ’™

Address

Sitio Tabing Dagat, Panique
Odiongan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Erlyn Pastrana Sarmiento posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share