06/01/2026
Isinagawa ang Parent Effectiveness Sessions (PES) sa mga magulang ng Munisipalidad ng Odiongan na pinangasiwaan ng Child Development Workers ng Odiongan, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang sa responsableng pag-aaruga, epektibong komunikasyon sa loob ng pamilya, at positibong pagdidisiplina sa mga anak.
Layunin ng aktibidad na mapatatag ang ugnayan ng magulang at anak at makabuo ng mas ligtas, maalaga, at suportadong tahanan. Bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok, ang mga magulang na nakatapos ng lahat ng 10 sessions ng PES ay nakatanggap ng 5 kilo ng bigas.