10/09/2026
Barangay Liwanag, Nakikiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill! 🌏🚨
Ngayong araw, nakiisa ang Barangay Liwanag, sa pangunguna ni Punong Barangay Kap. Luis Fabic, sa isinagawang 3rd Quarter Simultaneous Earthquake Drill na ginanap sa Romblon Provincial Hospital.
Sa naturang aktibidad, nasaksihan ng mga kalahok ang iba’t ibang rescue operations at emergency response procedures, kabilang ang tamang paraan ng pagresponde at pagsagip sa mga taong na-trap dahil sa lindol.
Ang pagsasanay na ito ay mahalaga upang mapalawak ang kahandaan, kaalaman, koordinasyon, at mabilis na pagtugon ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Sa sama-samang paghahanda, mas nagiging ligtas at matatag ang ating pamayanan. 💪🚨
Barangay Liwanag, Padayon! 🌟