Odiongan Gender and Development Office

Odiongan Gender and Development Office The Gender and Development Office coordinates and implements all GAD-related activities in the Municipality.

It provides administrative and logistical services, as well as the preparation and documentation of GAD Council and GAD TWG meetings.

24/03/2026

๐—™๐—ข๐Ÿฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚ ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡: ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป

Sa gitna ng panganib at usok, isang matatag na presensya ang namamayagpag sa Odiongan Fire Station sa katauhan ni FO2 Baby Marie Fortu Hernandez. Bilang isang bumbero, pinatutunayan niya na ang katapangan ay walang pinipiling kasarian. Mula sa pagpapatupad ng Fire Code hanggang sa aktwal na pagsuong sa mga sakuna, ipinapakita ni Hernandez na ang tungkulin ng isang tagapagligtas ay nakasalalay sa dedikasyon at disiplina, at hindi lamang sa pisikal na lakas. Para sa kaniya, ang pagiging babaeng bumbero ay isang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad na puno ng malasakit at tunay na serbisyo.

Hindi lamang sa linya ng apoy sumasabak si Hernandez, kundi maging sa ibaโ€™t ibang tungkulin niya sa buhay bilang asawa, ina, anak, at kapatid. Naniniwala siya na ang pagiging babae ay isang "matiyagang" paglalakbayโ€”isang katangiang ipinagmamalaki niya dahil sa kabila ng pagod at mga pagsubok, ang isang babae ay patuloy na bumabangon at lumalaban. Ang kaniyang karanasan ang nagturo sa kaniya na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nakabatay sa opinyon ng iba, kundi sa sariling kakayahan na tumayo sa sariling mga paa at gumawa ng mga desisyong may pananagutan at dignidad.

Sa kaniyang pagbabahagi ng inspirasyon, binigyang-diin ni Hernandez ang kahalagahan ng paninindigan: "Para sa mga kababaihan sa makabagong panahon: huwag matakot ipakita ang inyong kakayahan. Ibahagi ang inyong saloobin at alamin ang inyong mga karapatan bilang babae. Maging responsable sa bawat desisyong gagawin sa buhay, at higit sa lahat, magkaroon ng tiwala sa sarili." Sa huli, pinatutunayan ng kanyang kwento na ang isang babae ay hindi "basta babae lang" ngunit siya ay isang haligi ng lakas na nagsasabing kung kaya ni Juan, kaya rin ni Juana.



๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿญ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Bilang bahagi ng...
24/03/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿญ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, matagumpay na isinagawa ang ikalawang episode ng live podcast na pinamagatang โ€œ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด: ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒโ€ noong ika-19 ng Marso sa Bulwagan, Municipal Hall.

Naging sentro ng makabuluhang diskusyon ang panauhing eksperto na si Dr. Franciz Lianne M. Ramos, MD, CPC-FP, MPM, na nagbahagi ng kaniyang kaalaman at malalim na pag-unawa tungkol sa kalusugan ng kababaihan, partikular na ang mga pagbabagong hatid ng menopause.

Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan ng Odiongan Gender and Development (GAD) Office, Odiongan Rural Health Unit (RHU), at ng Odiongan Public Information Office ay dinaluhan ng mga kababaihang kawani ng lokal na pamahalaan, mga Barangay Nutrition Scholar (BNS), health workers, at iba pang kababaihan sa bayan. Sila rin ang nakibahagi sa question-and-answer portion kung saan sila ay naliwanagan sa mga bagay tungkol sa menopause. Layunin ng aktibidad na maghatid ng tamang impormasyon at empowerment para sa mga kababaihang dumaranas o malapit nang pumasok sa yugto ng menopause.

Ang nasabing podcast ay masiglang pinangasiwaan nina Nijel M. Galindez-Alba mula sa Municipal Assessorโ€™s Office at Mae April Joy A. Corros mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang mga host ng programa.

Naisapubliko rin ang diskusyon sa pamamagitan ng Live Stream sa page ng Odiongan Public Information Office, kung saan marami sa ating mga kasimanwa ang nakapanood at nakakuha ng mahahalagang tips tungkol sa kalusugan ng kababaihan lalung-lalo na sa menopause.


19/03/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด: ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ

Bilang pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, makiisa sa isang makabuluhang talakayan para sa kababaihan. Join us for Malayang Paglalayag: Understanding Menopause, a special learning session focused on awareness, health, and empowerment for women experiencing or approaching menopause.

๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ: March 19, 2026
๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: 1:30 PM โ€“ 2:30 PM
๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—บ: Odiongan Public Information page
๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ: Bulwagan, Municipal Hall

Kaisa ang Odiongan Gender and Development Office at Odiongan Rural Health Unit, ating buksan ang talakayan at magbahagi ng kaalaman at suporta sa mga kababaihan. ๐Ÿ’œ


19/03/2026

๐—๐—ฒ๐—ฐ๐—ฎ ๐—™. ๐—™๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ: ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜

Bilang isang Social Worker sa tanggapan ng MSWD, hindi lamang trabaho ang tingin ni Jeca F. Fababer sa kaniyang tungkulin kundi isang bokasyon. Ang kaniyang misyon ay itaguyod ang karapatan at dignidad ng bawat tao sa pamamagitan ng pakikinig nang walang paghuhusga, pagbibigay ng payo, at pag-uugnay sa mga kailangang serbisyo. Para kay Jeca, ang tunay na social worker ay naglilingkod nang may integridad, sapat na kakayahan, at higit sa lahat, may tunay na pagmamahal sa kapwa.

Sa likod ng kaniyang propesyonal na gampanin ay ang kaniyang pagkatao bilang isang babaeng naniniwala sa tunay na kahulugan ng katatagan. Para kay Jeca, ang lakas ng isang babae ay hindi nasusukat sa kawalan ng pagod o sakit, kundi sa desisyong bumangon muli sa gitna ng mga hamon. Sa kaniyang mensahe para sa mga kapwa babae, aniya: โ€œSa bawat babae na pagod na pero patuloy pa ring lumalaban, nakikita ko kayo. Sa bawat ina, anak, kapatid, at kaibigan, mahalaga kayo. Huwag ninyong maliitin ang sarili ninyo, dahil ang ginagawa ninyo araw-araw, gaano man kaliit sa tingin ninyo, ay may malaking epekto sa buhay ng iba.โ€ Ang pananaw na ito ang nagbibigay sa kaniya ng lakas upang pasanin hindi lamang ang kaniyang sariling hamon, kundi pati na rin ang pasanin ng mga taong umaasa sa kaniya.

Sa huli, hinihikayat ni Jeca ang susunod na henerasyon na maniwala na sila ay โ€œsapatโ€ at huwag hayaang limitahan ng takot ang kanilang mga pangarap. Sa paglalarawan niya sa kababaihan bilang โ€œmatatag,โ€ binibigyang-diin niya na ang pagmamahal sa sarili ang tunay na pundasyon upang mas makapaglingkod at makatulong sa pag-angat ng iba.



19/03/2026
17/03/2026

๐—ฆ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ท๐—ฎ๐˜€: ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฒ

Bilang bahagi ng Municipal Tourism Office, nagsisilbing katuwang ng bayan si Shane C. Fradejas. Mula sa pag-aayos ng mga communication letters at project proposals hanggang sa pagiging DOT accreditation coordinator, ipinapamalas niya ang dedikasyon ng isang "all-around" na kawani.

Ngunit higit pa sa kaniyang propesyon, naniniwala si Shane na ang halaga ng isang babae ay hindi nalilimitahan ng kanyang papel sa buhay kung maging siya man ay isang asawa, ina, o career woman. Para sa kaniya, ang bawat babae ay karapat-dapat sa respeto anuman ang kaniyang piniling landas. Ipinagmamalaki niya ang kasalukuyang henerasyon kung saan ang boses ng kababaihan ay naririnig na, at aniya: "We women are proving ourselves not just in our comfort zones; we are being recognized globally. And I am proud na ito 'yong generation na kinabibilangan ko. I am so proud of what women have become. We are far from the situation when we were deprived of our rights and were seen only as homemakers or child-bearers."

Sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang magulang at empleyado, nananatiling matatag si Shane. Inilarawan niya ang kababaihan bilang "tough or strong" dahil sa kakayahan nilang bumangon matapos ang anumang unos. Ang kanyang paglalakbay mula sa pagharap sa mga nakaka-overwhelm na responsibilidad hanggang sa pagiging isang ganap na Nanay ay patunay na ang lakas ng isang babae ay nagmumula sa kanyang tapang na yakapin ang pagbabago. Mensahe niya sa mga kabataan: alamin ang inyong mga karapatan at huwag kailanman maliitin ang kapangyarihan ng inyong sariling mga ideya.



13/03/2026
12/03/2026

๐—”๐—น๐—ฝ๐—ต๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ-๐—–๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด: ๐—ž๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ฎ

Sa loob ng HR Office sa LGU Odiongan, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ni Alpha Pasig Salsona-Cahilig. Bilang Admin Aide III at isang job-order employee sa loob ng halos dalawang taon, siya ang isa sa mga taong nag-aayos at nag-iingat ng mahahalagang personal na impormasyon ng mga kapwa job-order employees. Bahagi rin ng kanyang trabaho ang paghahanda ng pasahod, isang responsibilidad na nangangailangan ng pagiging maingat, organisado, at mapagkakatiwalaan.

Bago pa man siya naging empleyado at ina, siya ay unang naging anak at kapatid na natutong pahalagahan ang sakripisyo ng magulang. Isa sa pinakamahalagang aral na kanyang natutunan ay ang pag-unawa sa hirap at pagsisikap ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid. Dahil dito, nahubog sa kanya ang malalim na paggalang sa pamilya, responsibilidad sa buhay, at takot sa Diyos.

Mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga, patuloy siyang ginabayan ng kanyang ina sa paghubog ng kanyang pagkatao bilang isang babae. Hanggang ngayon ay dala niya ang matinding pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ipinakita ng kanyang ina para sa kanilang pamilya. Ang mga aral, payo, at pagmamahal ang nagsilbing gabay niya sa bawat yugto ng kanyang buhay.

Ngayon bilang isang ina, sinisikap ni Alpha na maipasa sa kanyang mga anak ang parehong pagmamahal at pag-aaruga na kanyang naranasan mula sa kanyang mga magulang. Para sa kanya, isa sa pinakamasayang bahagi ng pagiging ina ay ang maipakita sa kanyang mga anak kung paano sila pinalaki ng kanilang mga lolo at lola na may pagmamahal, disiplina, at malasakit.

Sa kanyang pananaw, ang pagiging babae ay nangangahulugan ng katatagan sa harap ng mga hamon ng buhay. Naniniwala siya na mahalagang matutong lumaban at magsikap upang maabot ang sariling mga pangarap. Para kay Alpha, dapat matutong makipagsabayan ang kababaihan sa kalalakihan sa pagharap sa mga adhikain sa buhay. Hindi dapat umasa lamang sa kakayahan ng iba ang tagumpay ng isang babae, kundi sa sariling kakayahan, sipag, at determinasyon.

Sa kanyang buhay bilang empleyado, babae, at ina, patuloy na ipinapakita ni Alpha Pasig Salsona-Cahilig na ang tunay na lakas ng isang babae ay makikita sa kanyang kakayahang magtrabaho nang tapat, mahalin ang pamilya, at maging mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon. Ang kanyang kuwento ay patunay na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa posisyon o trabaho, kundi sa mga pagpapahalagang naipapasa sa pamilya at sa iba.

Mabuhay ang bawat ina at babae na patuloy na naglilingkod, nagmamahal, at nag-iiwan ng magandang halimbawa sa susunod na henerasyon!



Address

Odiongan Municipal Hall Building
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Gender and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share