14/07/2023
FYI po BRGY. MAYHA!
_ETO AY ANG MULING PAGPAPAALALA SA ATING NASASAKUPAN.... I STILL BELIEVE NA MAHALAGA ANG INFORMATION DISSEMINATION TO CREATE PUBLIC AWARENESS AT ANG PAG-KUMBINSE SA ATING MGA CONSTITUENTS NA GAWIN PO NATING LAHAT ANG ATING SOCIAL OBLIGATION...
Dahil sa panahon na naman ng tag-ulan eto na din ang panahon ng pagsulputan ng ibaβt-ibang uri ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagtatae, leptospirosis dulot ng baha lalong lalo na ng DENGUE na dala ng lamok.
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa ating pinakamamahal na BARANGAY MAYHA ay umaapela sa ating mga constituents na makiisa sa aming layunin para maiwasan at hindi makapagtala ng kasong DENGUE sa ating komunidad.... Gawin po nating lahat ang "5S Kontra Dengueβ ukol sa mga pamamaraan at pagiingat upang higit na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito:
Eto po ang kahulugan at kahalagahan ng 5S:
1. SEARCH AND DESTROY BREEDING PLACES β kailangang hanapin kung saan namumugad ang mga lamok. Regular na suriin ang lalagyan ng mga pinggan na kalimitang nakakaligtaang linisin, pagpapalit ng tubig sa flower vase, pinag-iimbakan ng tubig at mga kanal kung saan ay may nakaipong tubig.
2. SEEK EARLY CONSULTATION - kumunsulta na agad sa doctor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw, pananakit ng ulo at pagsusuka, upang maagapan ang anumang karamdaman o uri ng sakit.
3. SECURE SELF PROTECTION - magsuot ng pajama at long sleeves upang makaiwas sa kagat ng lamok. May ipinamamahagi din ang Department of Health ng mga treated na kulambo at treated screen para sa mga paaralan.
4. SAY YES TO FOGGING - huling pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng dengue. May tamang oras ang fogging o misting, 4-6 sa umaga at 4-5 sa hapon.
Ayon sa pag-aaral ito ang oras na kalimitang lumalabas ang lamok na may dalang sakit. Higit sa lahat ng ito, mas mahalaga pa rin ang kalinisan hindi lamang sa ating pangangatawan at panatilihin din na laging malinis ang mga kapaligiran....
5. SUSTAIN HYDRATION - Ang pananatiling hydrated ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Ito ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa maraming mahahalagang biological function at tumutulong na pamahalaan ang mga patuloy na sakit at kondisyon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa kontra DENGUE!π