20/05/2026
๐ฅ๐๐๐จ๐๐๐ฅ ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก | ๐ ๐๐ฌ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sangguniang Bayan of Odiongan
Pinangunahan ni Odiongan Vice Mayor Butchoy Arevalo, Presiding Officer, ang isinagawang 19th Regular Session ng Sangguniang Bayan noong Mayo 18, 2026.
Bago ang pagsisimula ng sesyon, iginawad ang Certificate of Accreditation sa Odiongan Motorcycle Riderโs Association (OMRA) at Accreditation of Agricultural Management Innovation for Global Opportunities (AMIGO) Association. Ipinagkaloob din ang Certificate of Commendation para sa Batang Odiongan Basketball Team, bilang pagkilala sa kanilang pagkamit ng First Runner-up sa Philippine Youth Basketball Association (PYBA) Inter-City Grassroots Tournament na ginanap sa Navotas, Metro Manila.
Nagbigay rin ng Privilege Speech si Hon. Kaila Yap kaugnay sa isyu ng umanoโy pagdaloy ng septic waste sa karagatan ng Barangay Batiano. Binigyang-diin niya ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng mamamayan, marine ecosystem, at kabuhayan ng mga mangingisda. Hinikayat niya ang mga kinauukulang tanggapan tulad ng MENRO, RHU, MDRRMO, at iba pang concerned agencies na magsagawa ng agarang imbestigasyon, water testing, at environmental assessment. Ang nasabing usapin ay nairefer na sa tamang committee para sa further investigation.
Sa sesyon, tinalakay at naaprubahan ang mga sumusunod:
๐ Ordinance na nag-iinstitutionalize ng priority procurement of supplies and materials mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) Association para sa Supplementary Feeding Program ng munisipalidad, bilang suporta sa lokal na food system, food security, at sustainable market para sa SLP beneficiaries.
Author: Hon. Nicky Faderogao
๐ Resolution granting legislative authority upang makipagpirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Romblon State University, na kinakatawan ni Dr. Merian P. Catajay-Mani, para sa pagtanggap ng 24 BS Fisheries students mula RSU Sta. Maria Campus para sa kanilang On-the-Job Training (OJT).
Author: Hon. Kaila A. Yap
๐ Resolution granting legislative authority para sa MOA sa pagitan ng Romblon State University at Barangay Government ng Barangay Dapawan, sa pangunguna ni Brgy. Chairman Hon. Anna Lee Forlales, para sa implementasyon ng Project LIGTASK: Linking Information and Guidance on Treatment, Awareness, and Safety Knowledge in Odiongan, Romblon.
Author: Hon. Kaila A. Yap
๐ Resolution granting legislative authority para sa MOA sa pagitan ng LGU Odiongan at Banco De Oro Network Bank, Inc., na kinakatawan nina Emily G. Gamir at Lilibeth Santonia, for Salary Loan Program para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan. Author: Hon. Romeo Chow Chua , Jr.
Patuloy ang Sangguniang Bayan sa pagpapatibay ng mga programang sumusuporta sa edukasyon, kabuhayan, kalikasan, at pangkalahatang kapakanan ng mga Odionganon.