Office of the Senior Citizens Affairs - Odiongan

Office of the Senior Citizens Affairs - Odiongan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Senior Citizens Affairs - Odiongan, Government Organization, Tabin-dagat, Odiongan.

SOCIAL PENSION PAY-OUT1st - 2nd Quarter 2025June 9-11, 2025Magkakaroon po ng tatlong araw na Social Pension Pay-out para...
04/06/2025

SOCIAL PENSION PAY-OUT
1st - 2nd Quarter 2025
June 9-11, 2025

Magkakaroon po ng tatlong araw na Social Pension Pay-out para sa ating mga Senior Citizens sa bayan ng Odiongan simula June 9-11, 2025.

Narito po ang schedule ng araw, oras at venue ng bawat Barangay.

Kung kayo po ay may karagdagang katanungan o paglilinaw ay maaari po kayong lumapit sa inyong mga Senior Citizens President o dito po sa aming Opisina.

Maraming Salamat po.

π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š: Ukol sa Estado ng Pagbaba ng Social Pension sa Odiongan mula DSWDSa kabila ng mga malisyosong paratang na ibina...
08/05/2025

π—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š: Ukol sa Estado ng Pagbaba ng Social Pension sa Odiongan mula DSWD

Sa kabila ng mga malisyosong paratang na ibinabato laban kay Mayor Trina Firmalo-Fabic at sa ating lokal na pamahalaan, nais naming linawin ang tunay na estado ng Social Pension for Indigent Senior Citizens mula sa DSWD.

Sa kasalukuyan, wala pa pong naibababa na pondo ang DSWD para sa social pension ng ating mga senior citizens. Ito ay batay mismo sa opisyal na sertipikasyon mula sa DSWD Field Office MIMAROPA na aming hiniling upang matuldukan ang mga maling impormasyon na kumakalat.

Ayon sa DSWD, noong Abril 21, 2025 pa po natapos ng LGU Odiongan ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa fund transfer na nagkakahalaga ng mahigit β‚±54 milyon para sa 4,526 benepisyaryo para sa buong taong 2025. Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa ito naia-download sa LGU Odiongan, na siyang pinapatunayan rin ng sertipikasyon.

Muli naming pinapaalala na ang pondo ng social pension ay nakalaan lamang para sa ating mga senior citizens at hindi maaaring gamitin sa anumang ibang layunin, lalo na sa politika. Mahigpit na ipinatutupad ng LGU Odiongan ang mga patakaran sa accounting at sinusubaybayan ito ng Commission on Audit (COA).

Hindi po natin kailangang sirain ang pangalan ng kapwa para lamang sa pansariling interes. Ang ating layunin ay maglingkod nang tapat at maayos, lalo na sa ating mga nakatatanda na matagal nang naghihintay ng tulong.

Sa halip na pamumulitika, sama-sama nating ipanawagan ang mas mabilis na pagproseso ng pondo mula sa nasyunal na pamahalaan upang agad natin itong maipamahagi sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Patuloy po tayong kikilos nang may katapatan, transparency, at malasakit.

Ang Kanidugan Festival ay hindi lang selebrasyon ng kasaysayan, kundi isang pagsasama-sama ng buong bayan! Isa sa mga pi...
03/04/2025

Ang Kanidugan Festival ay hindi lang selebrasyon ng kasaysayan, kundi isang pagsasama-sama ng buong bayan! Isa sa mga pinaka-engaging na bahagi ng ika-178 anibersaryo ng Odiongan kahapon ay ang Senior Citizens Parade at Cha-Cha Dance Competition. Sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, mas lalo pang sumigla ang pagdiriwang sa aktibong partisipasyon ng ating senior citizens, na nagpakita ng kanilang energy at talento sa pagsayaw.

Kasama natin sa pagdiriwang sina Vice Mayor Diven Dimaala, mga SB Members, at iba pang opisyal na nagbigay-pugay sa ating nakatatanda. Isang malaking pasasalamat sa OSCA, OFSCO, at lahat ng tumulong sa matagumpay na pagdaraos ng programang ito.


𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ“Introducing the Official Candidates for 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ“.𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ ππ„πŽππ‹π„'𝐒 π‚π‡πŽπˆπ‚π„ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃‒ Like and ...
23/03/2025

𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ“
Introducing the Official Candidates for 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ“.

𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ ππ„πŽππ‹π„'𝐒 π‚π‡πŽπˆπ‚π„ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃
β€’ Like and Follow our page
β€’ The candidate with the highest combined votes (heart+like) will be awarded Gandang Lola People's Choice Award during the Senior Citizens Night on April 2, 2025
β€’ Voting Deadline: April 1, 2025 l 11:59 PM

Support your favorite candidate now and make your votes count!

πš†πšŽ πšœπš‘πš˜πšžπš•πš πšπš’πšŸπšŽ πš˜πšžπš› πšŽπš•πšπšŽπš›πšœ πšπš‘πšŽ πš›πšŽπšœπš™πšŽπšŒπš πšŠπš—πš πšπš’πšπš—πš’πšπš’ πšπš‘πšŽπš’ πšπšŽπšœπšŽπš›πšŸπšŽ, πšπš˜πš› πšπš‘πšŽπš’ πš‘πšŠπšŸπšŽ πš–πšŠπšπšŽ πš˜πšžπš› πš•πš’πšŸπšŽπšœ πš™πš˜πšœπšœπš’πš‹πš•πšŽ. π™°πšπš’πš—πš πš’πšœ πš—πš˜πš πš•πš˜πšœπš...
12/03/2025

πš†πšŽ πšœπš‘πš˜πšžπš•πš πšπš’πšŸπšŽ πš˜πšžπš› πšŽπš•πšπšŽπš›πšœ πšπš‘πšŽ πš›πšŽπšœπš™πšŽπšŒπš πšŠπš—πš πšπš’πšπš—πš’πšπš’ πšπš‘πšŽπš’ πšπšŽπšœπšŽπš›πšŸπšŽ, πšπš˜πš› πšπš‘πšŽπš’ πš‘πšŠπšŸπšŽ πš–πšŠπšπšŽ πš˜πšžπš› πš•πš’πšŸπšŽπšœ πš™πš˜πšœπšœπš’πš‹πš•πšŽ. π™°πšπš’πš—πš πš’πšœ πš—πš˜πš πš•πš˜πšœπš πš’πš˜πšžπšπš‘ πš‹πšžπš 𝚊 πš—πšŽπš  𝚜𝚝𝚊𝚐𝚎 𝚘𝚏 πš˜πš™πš™πš˜πš›πšπšžπš—πš’πšπš’ πšŠπš—πš πšœπšπš›πšŽπš—πšπšπš‘.

𝙲𝙾𝙼𝙴 𝙰𝙽𝙳 𝙹𝙾𝙸𝙽 πš„πš‚..

03/01/2025

Buong pasasalamat, kagalakan, at pagmamalaki nating ipinapaabot sa publiko na opisyal na tayong na-reclassify bilang isang 1st Income-Class Municipality epektibo simula noong January 1, 2025.

Ito ay batay sa Schedule of Income Classification na itinakda ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ng Department Order No. 074-2024 at ng Republic Act No. 11964 o ang Automatic Income Classification of Local Government Units.

Isa itong patunay ng pag-angat ng ekonomiya ng ating bayan at tagumpay ng sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng bawat Odionganon. Higit sa lahat, bunga ito ng sipag, tiyaga, at sakripisyo nating mga Odionganonβ€”mula sa kasalukuyang henerasyon hanggang sa mga nauna sa atin, na walang sawang nagpunyagi para sa ikauunlad ng ating bayan.

Mabuhay ang Odiongan, at ang bawat Odionganon!

Mga lolo’t lola, hindi niyo na po kailangan ng purchase booklet para makakuha ng discount sa gamot!Ayon ito sa Departmen...
03/01/2025

Mga lolo’t lola, hindi niyo na po kailangan ng purchase booklet para makakuha ng discount sa gamot!
Ayon ito sa Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2024-0017, na nag-aalis na sa booklet bilang requirement. Kapag may botika dito sa Odiongan na nanghihingi pa nito, i-report agad sa ating Odiongan Senior Citizen's Affairs Office o mag-message sa amin dito sa Odiongan Public Information Office. Karapatan niyo β€˜yan, huwag palampasin!

Mga lolo’t lola, hindi niyo na po kailangan ng purchase booklet para makakuha ng discount sa gamot!

Ayon ito sa Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2024-0017, na nag-aalis na sa booklet bilang requirement. Kapag may botika dito sa Odiongan na nanghihingi pa nito, i-report agad sa ating Odiongan Senior Citizen's Affairs Office o mag-message sa amin dito sa Odiongan Public Information Office. Karapatan niyo β€˜yan, huwag palampasin!

Narito ang mga Insentibo at kaukolang mga dokumento na kailangan para ating mga Senior Citizens na mayroong edad na 80-p...
06/11/2024

Narito ang mga Insentibo at kaukolang mga dokumento na kailangan para ating mga Senior Citizens na mayroong edad na 80-pataas.

Ang mga insentibo na ito ay ibinibigay sa ating mga nakatatanda upang sila ay bigyan ng pagkilala sa kanilang mga naging kontribusyon sa ating lipunan.

πŸ“ RA 11982 (Octogenarian, Nonagenarian, Centenarian)
πŸ“ Provincial Incentive
πŸ“ Municipal Incentive

Note:
Ang mga insentibo po na ito ay ISANG (1) beses po lamang bawat age bracket. HINDI po ito bawat taon.

Address

Tabin-dagat
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Senior Citizens Affairs - Odiongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share