08/07/2026
๐ฉบโค๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฉ/๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฆ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐๐บ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
Matagumpay na isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO) ng Pamahalaang Bayan ng Obando, sa pakikipagtulungan ng Obando Rural Health Unit (RHU) at Local HIV/AIDS Council-Obando, ang KABATAANG MULAT: HIV/AIDS Awareness Symposium 2026 na ginanap noong Hunyo 29, 2026 sa Colegio de San Pascual Baylon โ College Department.
Dinaluhan ito ng mahigit 200 College students na naging kabahagi ng makabuluhang talakayan tungkol sa HIV/AIDS awareness, mga paraan ng pag-iwas, tamang impormasyon, kahalagahan ng maagang pagpapasuri (testing), paggamot, at pagwawaksi sa stigma at diskriminasyon laban sa mga taong may HIV.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ang Obando RHU ng libreng boluntaryo at kumpidensyal na HIV testing para sa mga nais magpasuri. Layunin nitong hikayatin ang mga kabataan na maging responsable sa kanilang kalusugan at maunawaan ang kahalagahan ng maagang pagsusuri at tamang kaalaman.
Ang programang ito ay buong pusong sinusuportahan ng ating ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, Mayor Ding Valeda, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Obando ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan, kapakanan, at kabuuang pag-unlad ng kabataang Obandenyo.
Taos-pusong pasasalamat sa Republika Community Center, sa pamunuan ng Colegio de San Pascual Baylon, at sa lahat ng aming katuwang sa pagsuporta sa adbokasiyang ito.
โจ ๐ผ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฃ, ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐ฌ๐.
๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐ช๐ก๐๐ฉ. ๐๐๐๐ฅ๐๐จ๐ช๐ง๐. ๐๐๐-๐๐ฃ๐๐๐ฉ. ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐ค. โค๏ธ