Konsehal Mico Dela Paz

Konsehal Mico Dela Paz MDP at Your Service!

26/08/2026
Isang makabuluhang pagpupulong para sa mas matatag na ugnayan!Kasama po sina Vice Mayor Rowell Sta Ana Rillera, Konsehal...
12/08/2026

Isang makabuluhang pagpupulong para sa mas matatag na ugnayan!

Kasama po sina Vice Mayor Rowell Sta Ana Rillera, Konsehal Erwin Valeda, Konsehal Felipe Dela Cruz, Kap. Bubut Sayao, at ang ating Executive Department ng LGU Obando, dumalo po tayo sa isang Joint Committee Hearing matapos ang imbitasyon mula sa Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ng ating kaibigang Vice Mayor Marlon IDOL Alejandrino.

Ang mahalagang pagtitipong po ito ay patunay lamang ng patuloy at matibay na ugnayan, pagtutulungan, at mahigpit na samahan sa pagitan ng ating dalawang local government unit para sa mas epektibong paglilingkod sa ating mga mamamayan.


Pasado na at opisyal na ring inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang MUNICIPAL ORDINANCE NO. 12-25/2026 na nagtatata...
11/08/2026

Pasado na at opisyal na ring inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang MUNICIPAL ORDINANCE NO. 12-25/2026 na nagtatatag ng ating opisyal na FIESTA AND CHRISTMAS FOOD BAZAAR dito sa ating minamahal na Bayan ng Obando! πŸŽ‰

Ang mahalagang ordinansang ito ay naglalayong magtakda ng malinaw at maayos na sistema ng regulasyon para sa ating mga aktibidad. Sa pamamagitan ng tamang gabay at patakaran, mas mapapanatili natin ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan habang pinalalakas natin ang lokal na ekonomiya. Malaki ang maitutulong nito sa ating mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga lokal na negosyante dahil bibigyan sila ng lehitimo, ligtas, at mas malawak na plataporma para itaguyod ang kanilang mga produkto, kumita, at mapalago ang kanilang mga kabuhayan tuwing may mga pagdiriwang at kapistahan sa ating bayan.

Lubos din nating pinasasalamatan sina Mayor Ding at Vice Mayor Rowell sa kanilang buong-pusong suporta sa mga ganitong uri ng programa para sa kapakanan ng ating komunidad.

Pangunahing mangunguna sa pagpapatupad ng programang ito ang ating Municipal Tourism Office kasama ang iba pang mga kaukulang tanggapan. Suportahan po natin ang ating mga lokal na negosyante!


11/08/2026

πŸ“š CHED Tulong Dunong Program (TDP)
First Semester, S.Y. 2026–2027

Sa patuloy na malasakit at suporta ng ating Pamahalaang Bayan ng Obando at sa tulong ni Senator Joel Villanueva, hatid ang panibagong pagkakataon para sa mga masisipag na kabataang ObandeΓ±o na nagsisipag-aral sa kolehiyo upang makatanggap ng 7,500 piso na tulong pinansyal!

πŸ‘©β€πŸŽ“ SINO ANG KWALIPIKADONG MAG-APPLY?
Mga estudyanteng:
βœ… Walang kasalukuyang scholarship o financial assistance mula sa National Government gaya ng TES, iba pang CHED Scholarships, o DOST Scholarship; at

βœ… Naka-enroll sa Undergraduate Degree Program sa alinman sa:
β€’ State University or College (SUC)
β€’ Local University or College (LUC)
β€’ CHED-recognized Private Higher Education Institution (HEI)

βœ… 250 Slots para sa mga residente ng Obando (First-Come, First-Served basis)

πŸ“„ MGA KAILANGANG DOKUMENTO:
1️⃣ CHED TDP Application Form – kumpletong impormasyon at may kasamang 2x2 ID picture
πŸ”— https://tinyurl.com/FormTulongDunong

2️⃣ Proof of Enrollment – Original o Certified True Copy ng Certificate of Registration (COR) o Certificate of Enrollment (COE) para sa First Semester, S.Y. 2026–2027

3️⃣ Barangay Certificate of Indigency

Saan Isusumite?
πŸ“ Local Youth Development Office (LYDO)
4th Floor, New Municipal Hall Building

Deadline ng pagsumite:
πŸ“… Agosto 19, 2026

⚠️ PAALALA:

β€’ One-time educational assistance lamang ang matatanggap sa ilalim ng programa.

β€’ Isang (1) estudyante lamang kada household. Hindi maaaring sabay na mag-apply ang magkapatid.

β€’ Lahat ng applications at requirements ay sasailalim sa validation at assessment.

β€’ Ang pagsusumite ng requirements ay hindi garantiya ng approval. Hintayin ang tawag o text para sa confirmation at instructions.

Patuloy nating susuportahan ang kabataan tungo sa mas magandang kinabukasan! πŸŽ“βœ¨

Buong-pusong pong ipinapaabot ang magandang balita para sa edukasyon ng ating mga kabataan! Opisyal na PASADO NA SA SANG...
29/07/2026

Buong-pusong pong ipinapaabot ang magandang balita para sa edukasyon ng ating mga kabataan! Opisyal na PASADO NA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ang Municipal Ordinance No. 12-08 / Series of 2025.

Ito po ay ang ordinansang nagtatatag ng Obando Scholarship Program para sa mga Indigent at Underprivileged Elementary at High School Learners. Bagama't nakatuon ito partikular sa ating mga mag-aaral na nangangailangan, layunin po nitong makapagbigay ng gabay, pondo, at tulong-pang-edukasyon upang masigurong walang maiiwang kabataan sa kanilang pag-abot ng pangarap.

Ang mahalagang hakbang po na ito ay lubos na isinusulong at sinusuportahan ng ating butihing Mayor Ding at Vice Mayor Rowell.

Mahigpit po na tututukan at pangungunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) ang agarang pagpapatupad at implementasyon ng programang ito, kung saan ang mga pampublikong paaralan ang siyang magtutukoy ng mga magiging benepisyaryo upang masigurong patas, maayos, at direktang makakarating sa mga kwalipikadong kabataan ang tulong-edukasyon.

Isang napakalaking tagumpay para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan sa Bayan ng Obando, Bulacan!


29/07/2026

𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 2: π“π”π‹πŽππ† πƒπ”ππŽππ†: π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ π…πŽπ‘ πˆππ‚πŽπŒπˆππ† 4𝐓𝐇 π˜π„π€π‘ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒

Muling tatanggap ng aplikasyon si Cong. Linabelle Ruth R. Villarica para sa 2nd batch ng Tulong Dunong: Scholarship Program for 4th Year College Students!

Kung ikaw ay 4th year College para sa taong 2026-2027, may general average na 85% pataas, walang kasalukuyang scholarship at naninirahan sa Lungsod ng Meycauayan, Bayan ng Marilao at Bayan ng Obando, mag-register na sa link o i-scan ang QR Code:

Registration Link: https://forms.gle/5eMkf46uyk4dSwff6

Paalala: Kailangan tama ang i-upload na CERTIFICATE OF REGISTRATION OR CERTIFICATE OF ENROLLMENT SY 2026, susundin ang patakarang FIRST COME, FIRST SERVED.

Deadline ng pagpaparehistro: Agosto 12, 2026, Miyerkules

Huwag palampasin ang oportunidad na maging LV Scholar, apply na!

πŸ“’ PASADO NA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!Magandang balita po para sa mga magulang at mag-aaral ng Obando! Opisyal nang pa...
28/07/2026

πŸ“’ PASADO NA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!

Magandang balita po para sa mga magulang at mag-aaral ng Obando! Opisyal nang pasado sa Sangguniang Panlalawigan ang Municipal Ordinance No. 12-06, ang ordinansa para sa pagbibigay ng libreng school supplies at uniforms para sa ating mga mag-aaral sa Daycare! πŸŽ’πŸ“šβœ¨

Malaking tulong po ito para sa ating mga pamilya upang maibsan ang gastusin sa pag-aaral ng ating mga chikiting sa kanilang unang hakbang at pagpasok po sa daycare. Ang Municipal Social Welfare and Development Office po ang siyang mangunguna sa pagpapatupad ng proyektong ito.

Buong-puso ring po tayong nagpapasalamat sa patuloy na suporta nina Mayor Ding at Vice Mayor Rowell sa ating mga programang pangkabataan at edukasyon.

Isang malaking hakbang para sa kinabukasan ng ating mga kabataan na ating inakda at isinulong para sa bawat pamilyang ObandeΓ±o!


27/07/2026

Simula ng araw na po puno ng init at tamis! Naghatid po kami ng mainit na champorado at pandesal sa Lawa at Binhi kasama ang inyong lingkod, pati na rin sina Kon Erwin at Kon Philip, sa buong-pusong suporta nina Mayor Ding at Vice Mayor Rowell dahil sa pagtutulungan, mas pinatitingkad natin ang malasakit sa ating komunidad.


Isang taos-pusong pagbati sa ika-112 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo! Nakikiisa po tayo sa pagdir...
23/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ika-112 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo!

Nakikiisa po tayo sa pagdiriwang na ito bilang pagkilala sa mahigit isang siglong paninindigan sa pananampalataya, pagkakaisa, at walang sawang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Nawa'y patuloy na maging gabay ang inyong pong pananampalataya sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating komunidad. Dalangin ang patuloy na pagpapala, kalakasan, at marami pang taong makapaglingkod sa Panginoon.

Sa lahat po ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, Maligayang Anibersaryo po sa inyong lahat!


Address

Barangay Paco
Obando
3021

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal Mico Dela Paz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share