Norzagaray Traffic Management and Public Safety Office

Norzagaray Traffic Management and Public Safety Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Norzagaray Traffic Management and Public Safety Office, Public Service, Municipal Compound, Brgy. Poblacion, Norzagaray.

Matagumpay pong naisagawa ang Fun Run ng San Roque Youth Club Organization sa tulong ng maayos na koordinasyon at pag-aa...
14/05/2026

Matagumpay pong naisagawa ang Fun Run ng San Roque Youth Club Organization sa tulong ng maayos na koordinasyon at pag-aassist ng ating mga traffic enforcers upang masiguro ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko ng lahat ng participants.

Patuloy po kaming handang maglingkod upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at ligtas na kaganapan para sa ating komunidad. 🏃‍♂️🚦







Magandang araw po! Ipinapaalam po ng Traffic Management and Public Safety Office na may isang susi na napulot Noong May ...
12/05/2026

Magandang araw po! Ipinapaalam po ng Traffic Management and Public Safety Office na may isang susi na napulot Noong May 10, 2026 sa Municipal Road, ang ating masipag at tapat na traffic enforcer habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Ang nasabing susi ay kasalukuyang nasa aming tanggapan at ligtas na inaalagaan.

Kung ikaw po o may kakilala kayong nawalan ng susi, maaring ito na po ang inyong hinahanap. Inaanyayahan po namin ang tunay na may-ari na magtungo sa aming opisina at magdala ng sapat na patunay ng pagmamay-ari upang ito ay agad naming maibalik.







Magandang hapon po nanawagan po kami ulit sa magulang o lola ng bata sa nakakakilala sa kanya siya po ay narito ulit sa ...
30/04/2026

Magandang hapon po nanawagan po kami ulit sa magulang o lola ng bata sa nakakakilala sa kanya siya po ay narito ulit sa aming office ng Traffic Management And Public Safety ihinatid po siya ng aming Traffic Enforcer.







May naiwan pong gamit sa parking area ng Jollibee na agad namang isinauli ng mabuting nakapulot at ibinigay sa ating tra...
25/04/2026

May naiwan pong gamit sa parking area ng Jollibee na agad namang isinauli ng mabuting nakapulot at ibinigay sa ating traffic enforcer. Kung kayo po ang may-ari o may kakilala na nawalan, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan upang ito ay maibalik.

Mangyaring magbigay ng sapat na detalye bilang patunay ng pagmamay-ari.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Patuloy po tayong magtulungan para sa kaayusan at kaligtasan sa ating lugar.







🚦 TRAFFIC ADVISORY 🚦Ipinapaalam po sa lahat ng motorista at mamamayan na pansamantalang nakaranas ng mabigat na daloy ng...
02/04/2026

🚦 TRAFFIC ADVISORY 🚦

Ipinapaalam po sa lahat ng motorista at mamamayan na pansamantalang nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Crossing hanggang Villarama Street. Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito.

Ang ating mga Traffic Management and Public Safety ay agad na nagtalaga ng kaukulang aksyon upang maayos at mapabilis ang daloy ng sasakyan sa nasabing lugar. Patuloy po kaming nagsasagawa ng traffic monitoring upang maiwasan ang lalo pang pagsisikip ng daloy.

Kami po ay humihingi ng pasensya at pang-unawa sa lahat ng motorista. Inaabisuhan din po ang lahat na maglaan ng sapat na oras sa kanilang biyahe at sumunod sa mga itinalagang traffic rules at sa gabay ng ating mga enforcer sa kalsada.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon para sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko para sa lahat. 🚦








🚦 TRAFFIC ADVISORY 🚦Nagkaroon ng pagpupulong ang Traffic Management and Public Safety Office para sa LIGTAS SUMVAC 2026 ...
01/04/2026

🚦 TRAFFIC ADVISORY 🚦

Nagkaroon ng pagpupulong ang Traffic Management and Public Safety Office para sa LIGTAS SUMVAC 2026 upang pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kalsada ngayong Holy Week. Inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero at ng mga tao na magtutungo sa iba’t ibang lugar, lalo na sa mga ilog kung saan maraming maliligo.

Layunin namin na masiguro ang maayos na daloy ng trapiko, maiwasan ang aksidente, at mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng motorista, pedestrian, at mga pamilyang magbabakasyon. Magkakaroon din ng karagdagang pagbabantay sa kalsada upang maiwasan ang aberya at masigurong magiging ligtas at mapayapa ang paggunita ng Holy Week.

Patuloy po naming pinapaalalahanan ang lahat habaan ang pasensya at sumunod sa batas trapiko, mag-ingat sa pagmamaneho, Sama-sama po nating panatilihin ang Ligtas na Kalsada, Ligtas na Holy Week. 🙏








Address

Municipal Compound, Brgy. Poblacion
Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Norzagaray Traffic Management and Public Safety Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category