Kapitan Lito P. Teboso -Brgy. FVR

Kapitan Lito P. Teboso -Brgy. FVR This is the official page of our new elected barangay chairman in Barangay FVR,Norzagaray , Bulacan

ULAT SA PAGDALO SA SEMINAR NG BADACNoong ika-9 ng Oktubre 2025, araw ng Miyerkules, dumalo ang ating Punong Barangay na ...
09/10/2025

ULAT SA PAGDALO SA SEMINAR NG BADAC

Noong ika-9 ng Oktubre 2025, araw ng Miyerkules, dumalo ang ating Punong Barangay na si Ginoong Carlito DC. Teboso sa isang araw na seminar na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos Capitol.

Ang naturang seminar ay may temang "Bulacan-SIPAC-BADAC Provincial Roll-out: Empowering Barangays in the Fight Against Illegal Drugs." Ito ay isinagawa bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga sa buong lalawigan ng Bulacan.

Layunin ng seminar na ito na bigyang-kaalaman ang mga opisyal ng barangay ukol sa mga bagong polisiya, programa, at mga hakbang para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga interbensyon sa mga drug dependent sa kanilang nasasakupan. Kabilang din sa tinalakay ay ang muling pagrepaso sa mga proseso at tungkulin ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Sa pamamagitan ng seminar na ito, inaasahan na mas mapapalakas pa ang kakayahan ng bawat barangay na maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo ng problema sa ilegal na droga.

Dumalo ang ating Punong Barangay na si Igg. Carlito D.C. Teboso sa ika-apat na Quarter Joint Meeting ng Municipal Anti-D...
07/10/2025

Dumalo ang ating Punong Barangay na si Igg. Carlito D.C. Teboso sa ika-apat na Quarter Joint Meeting ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at Municipal Peace and Order Council (MPOC) na ginanap sa Amaluz Pavilion and Restaurant, Barangay Partida, sa pangunguna ng ating mahal na Mayora Igg. Maria Elena Germar.

Sa nasabing pagpupulong, inihain ng ating Igg. Konsehal Michael Dela Merced ang Barangay Peace and Order and Public Safety (BPOPS) Plan para sa darating na taong 2026.

Iminungkahi ng ating Punong Barangay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bagong Closed-Circuit Television (CCTV) system sa ating barangay, sapagkat ang kasalukuyang kagamitan ay sira na at hindi na gumagana. Layunin ng mungkahing ito na mapalakas pa ang seguridad at kaayusan sa komunidad.

Bukod dito, ang iba't ibang Department Head na kabilang sa konseho ay nag-ulat hinggil sa kanilang mga nagawa (accomplishments), mga isinasagawang operasyon, at mga kahilingang makatutulong upang higit pang mapabuti ang kanilang paglilingkod sa mamamayan. Ang mga ulat at rekomendasyong ito ay nagsisilbing gabay sa pagpapaigting ng mga programang pangkapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong bayan.

PABATIDOktubre 6, 2025 – Lunes ng UmagaMagandang araw po!Ngayong umaga, ika-6 ng Oktubre 2025, naging produktibo ang ara...
06/10/2025

PABATID
Oktubre 6, 2025 – Lunes ng Umaga

Magandang araw po!

Ngayong umaga, ika-6 ng Oktubre 2025, naging produktibo ang araw ng ating Punong Barangay, Igg. Carlito DC. Teboso.

Nagsagawa ng courtesy call ang kinatawan mula sa PSA (Philippine Statistics Authority) kaugnay ng kanilang isasagawang survey sa sektor ng agrikultura. Sila ay nagpaalam at nagpabatid na sila'y iikot sa iba't ibang bahagi ng ating barangay upang maisagawa ang naturang survey.

Tinalakay din ng Punong Barangay ang isyu kaugnay ng mga tricycle na may reklamo. Pinagharap ang mga panig upang mapag-usapan at mapagkasunduan ang mga hinaing ng bawat isa. Sa pakikipag-ugnayan at bukas na komunikasyon, nagkaunawaan ang magkabilang panig at nangakong magbibigay-galang sa bawat isa.

Ipinahayag din ni Punong Barangay Teboso na kung sakaling may lalabag sa mga napagkasunduan, ay agad itong ipagbigay-alam sa kanya upang mabigyan ng nararapat na aksyon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta!

PAMAHALAANG BARANGAYPAGTATALA NG PANUNUMPA NG MGA BAGONG BLOCK LEADERSetyembre 17, 2025 – MiyerkulesNgayong araw, ika-17...
17/09/2025

PAMAHALAANG BARANGAY
PAGTATALA NG PANUNUMPA NG MGA BAGONG BLOCK LEADER
Setyembre 17, 2025 – Miyerkules

Ngayong araw, ika-17 ng Setyembre 2025, araw ng Miyerkules, sa harap ng ating Igg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso, ay nanumpa ang dalawang (2) bagong halal na Block Leader.

Ang kanilang pagkakahirang sa posisyon ay hindi lamang isang karangalan kundi isa ring malaking responsibilidad. Bilang mga lider ng kani-kanilang nasasakupan, sila ay inaasahang magsilbing sumbungan, taga-ayos ng mga sigalot, at katuwang ng Barangay sa pagpapatupad ng mga batas, ordinansa, at alituntunin.

Nawa'y magsilbi silang huwaran ng katapatan, malasakit, at tunay na paglilingkod sa kanilang komunidad.





AnunsyoIka-8 ng Setyembre 2025 | LunesNgayong araw, ika-8 ng Setyembre 2025, araw ng Lunes, ay masayang ipinagkaloob ng ...
08/09/2025

Anunsyo
Ika-8 ng Setyembre 2025 | Lunes

Ngayong araw, ika-8 ng Setyembre 2025, araw ng Lunes, ay masayang ipinagkaloob ng ating Iggalang na Punong Barangay Carlito Dc. Teboso ang mga premyong Pizza Pie sa mga masusuwerteng Person with Disability (PWD) na nanalo sa isinagawang raffle noong nakaraang Sabado.

Ang simpleng aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta at pagkilala ng ating barangay sa mahalagang papel at kontribusyon ng ating mga kapatid na PWD sa komunidad.

Maraming salamat po, Punong Barangay Carlito Teboso, sa inyong walang sawang malasakit at pagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan.

Mabuhay ang Barangay! Mabuhay ang PWD!

Ulat sa Ginanap na Programa para sa mga PWDIka-6 ng Setyembre 2025 | Araw ng MartesNgayong araw, ika-6 ng Setyembre 2025...
06/09/2025

Ulat sa Ginanap na Programa para sa mga PWD
Ika-6 ng Setyembre 2025 | Araw ng Martes

Ngayong araw, ika-6 ng Setyembre 2025, araw ng Sabado, ay matagumpay na isinagawa ang isang munting programa para sa mga Person with Disability (PWD) sa ating barangay. Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Igg. Carlito DC. Teboso, Punong Barangay, pakikipag-ugnayan Kay Gng. Josephine Dondonilla, Presidente ng PWD, at ang kanyang mga opisyales.

Layunin ng programang ito na magbigay saya, suporta, at pagkilala sa mga kababayan nating may kapansanan. Masiglang lumahok ang mga PWD sa iba't ibang palaro at aktibidad na inihanda para sa kanila. Personal na pinangunahan ni Kapitan Teboso ang programa at aktibong nakiisa sa mga gawain upang lalong mapalapit sa mga kasapi ng PWD.

Bilang bahagi ng programa, naghandog si Kapitan ng masaganang meryenda na kinabibilangan ng lugaw at pansit, at may inuming ipinamigay sa tulong ni Kagawad Logo.

Nagkaroon din ng Question and Answer kung saan maswerteng nanalo ang ilan ng halagang ₱300.00 hanggang ₱500.00. Sinundan ito ng larong "Jak en Poy" na may pangunahing gantimpalang ₱1,000.00 sa nanalong kalahok.

Bilang pagtatapos ng programa, sampung (10) masusuwerteng PWD ang nabigyan ng libreng pizza, na lahat ay buong pusong ipinagkaloob ng ating butihing Punong Barangay.

Isang mainit na pasasalamat ang ipinaaabot sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang simpleng handog para sa mga PWD. Ang programang ito ay patunay ng malasakit at pagtutok ng ating Punong Barangay sa kapakanan ng bawat miyembro ng komunidad.





PAG-UUMPISA NG OJT NG MGA ESTUDYANTE MULA SA CITY COLLEGESetyembre 2, 2025 | Martes | Barangay FVR, Norzagaray, Bulacan....
02/09/2025

PAG-UUMPISA NG OJT NG MGA ESTUDYANTE MULA SA CITY COLLEGE
Setyembre 2, 2025 | Martes | Barangay FVR, Norzagaray, Bulacan.

Ngayong umaga, ika-2 ng Setyembre 2025, araw ng Martes, pormal nang nagsimula ang On-the-Job Training (OJT) ng tatlong (3) estudyante mula sa City College, San Jose Del Monte, Bulacan. Sila ay maglalaan ng kabuuang 100 oras upang tumulong sa iba't ibang gawain at programa ng barangay bilang bahagi ng kanilang pag-aaral.

Malugod silang tinanggap ng ating Igg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso, na nagbigay rin ng maikling pananalita upang hikayatin ang mga estudyante na pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Binanggit niya ang kahalagahan ng tamang prayoridad at disiplina upang makamit ang kanilang mga pangarap—maging ito man ay isang magandang trabaho o sariling negosyo sa hinaharap.

Ang pamahalaang barangay ay umaasang magiging makabuluhan ang karanasang ito para sa mga mag-aaral, at umaasa rin sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga gawaing makakatulong sa komunidad.






📸 Reynald UYA Umbaña

30/08/2025

Pabatid po.

Isang hindi inaasahan pangyayari ang naganap kanina may nagdeliver na Isang negosyante sa ating Barangay ito daw ay order ng ating Punong Barangay Kapitan Teboso, ngunit wala naman pong order ang ating Kapitan, ito po ay Isang uri ng pangluluko. Kaya mging maingat sa mga ganitong uri ng transaksyon, lalo na ngayon na madalas ang mga scam at maling impormasyon. Ang mga hakbang tulad ng video call at paghingi ng reserved fees ay makakatulong upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na sitwasyon.

Puwede din siguro na maging maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon at maging mapanuri sa mga detalye ng mga transaksyon. Maraming salamat po ulit at sana ay maging ligtas at maayos ang lahat ng negosyo at transaksyon!




Araw ng Huwebes, Agosto 1, 2025 – Dumalo si Kgg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso sa ginanap na Joint Municipal Peace...
01/08/2025

Araw ng Huwebes, Agosto 1, 2025 – Dumalo si Kgg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso sa ginanap na Joint Municipal Peace and Order and Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) 3rd Quarter Meeting na isinagawa sa Amaluz Pavilion and Restaurants, Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.

Pinangunahan ang naturang pagpupulong ni Kgg. Mayor Merlyn Germar, katuwang ang iba’t ibang opisyal ng bayan, upang talakayin ang mga plano, suhestiyon, at hakbangin upang higit pang mapatatag ang kapayapaan at kaayusan sa bayan, gayundin ang patuloy na pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga. Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at ugnayan ng mga ahensya at pamahalaang barangay sa implementasyon ng mga programang pangkapayapaan at kontra-droga.





Hulyo 29, 2025Ngayong araw, ika-29 ng Hulyo 2025, isang residente ng barangay ang pinagkalooban ng wheelchair para sa ka...
29/07/2025

Hulyo 29, 2025
Ngayong araw, ika-29 ng Hulyo 2025, isang residente ng barangay ang pinagkalooban ng wheelchair para sa kanyang kapatid na na-stroke. Isang munting tulong upang mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pag-aalaga at pag-aasikaso.

Isa rin sa mga dumalong ina sa programang Pabasa sa Nutrisyon ang pinagkalooban ng diapers para sa kanyang amang bedridden, bilang suporta sa kanyang walang-sawang pangangalaga.

Ang mga simpleng handog na ito ay simbolo ng malasakit at pagtutulungan ng komunidad sa ilalim ng programang nagla pagtulong sa mga mas nangangailangan.

Hulyo 21, 2025Ngayong araw, personal na binisita ni Igg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso ang kasalukuyang ginagawa n...
21/07/2025

Hulyo 21, 2025
Ngayong araw, personal na binisita ni Igg. Punong Barangay Carlito D.C. Teboso ang kasalukuyang ginagawa na CR sa Basketball Court Phase 2, na bahagi ng mga proyektong pang-imprastraktura sa Barangay FVR.

Ang proyektong ito ay ipinagkakaloob sa ating barangay sa pamamagitan ng suporta at malasakit ng ating mahal na Congressman Igg. Salvador “Ka Ador” Pleyto.

Lubos ang pasasalamat ng Barangay FVR sa walang-sawang pagtulong at pagsuporta ni Cong. Ka Ador sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating mga pasilidad para sa kapakanan ng mamamayan.

Mabuhay ang Barangay FVR! Mabuhay ang Serbisyong Tapat at Totoo!

📸 Reynald "Treas Uya" Umbaña

Isinagawa ang Opening Ceremony ng Cong. Pleyto Cup Season 2 ngayon araw ika-12 ng Hulyo 2025 sa Jesus Is Lord (JIL) Comp...
12/07/2025

Isinagawa ang Opening Ceremony ng Cong. Pleyto Cup Season 2 ngayon araw ika-12 ng Hulyo 2025 sa Jesus Is Lord (JIL) Compound, Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan. Dumalo sa nasabing programa ang ating Igg. Punong Barangay Carlito DC. Teboso upang ipakita ang kanyang buong suporta sa mga kalahok mula sa Barangay FVR sa larangan ng Men’s Basketball, Men’s Volleyball, at Women’s Volleyball.

Ang Sangguniang Barangay FVR, sa pangunguna ng ating Kapitan, ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating Igg.Congressman Salvador A. Pleyto para sa mga programang gaya nito. Sa pamamagitan ng Cong. Pleyto Cup, naipapakita ang talento ng ating mga kababayan sa larangan ng palakasan, at higit sa lahat, ito rin ay nagsisilbing epektibong paraan upang mailayo ang ating kabataan sa mga masasamang bisyo at impluwensya.

Mabuhay ang Barangay FVR! Mabuhay ang Palakasan!

Address

FVR
Norzagaray
3013

Telephone

+639264133812

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitan Lito P. Teboso -Brgy. FVR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kapitan Lito P. Teboso -Brgy. FVR:

Share