02/06/2026
Idinaos nung nakraang araw ng Hunyo 1 ang Ika-21 Karaniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Norzagaray sa pangunguna ng Pangalawang Punong, Igg.Giulius Samson. Sa sesyong ito ay tinalakay at pinagpasyahan ng mga miyembro ng konseho ang mahahalagang usaping may kinalaman sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Kasabay nito, taos-pusong pagbati kay Vice Mayor Giulius Samson na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Mayo 31. Nawa’y patuloy siyang pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod sa mga mamamayan ng Norzagaray.
Maligayang Kaarawan, VM Giulius Samson, at mabuhay ang Sangguniang Bayan ng Norzagaray!