17/05/2026
Isang napakagandang gabi at walang kapantay na karangalan ang maging Reyna Hermana Mayora 2026! 👑
Mula sa kaibuturan ng aking puso, nais kong ipaabot ang aking nag-uumapaw na pasasalamat sa lahat ng sumuporta, nakiisa, at nagbuhos ng pagmamahal upang maging matagumpay, makulay, at makasaysayan ang gabing ito.
Isang malaking pagpupugay at pagbati sa Navotas Gay Society sa pag-organisa ng isang napakaganda at marangyang sagala! Saludo po ako sa inyong husay at dedikasyon, sa pangunguna ng ating nag-iisang Ramon ‘Monday’ Santiago.
Hindi rin magiging ganito kasaya at kasigla kung wala ang mga grupong walang-sawang sumama, sumuporta, at nakiisa sa atin. Maraming-maraming salamat sa D'Elite Groovers, SRT, WOW, at Wawa Zumba Group, pati na rin sa ilan sa mga masisipag at mapagmahal nating kasama mula sa OFW Family Inc. Ang inyong presensya at lakas ang nagbigay-buhay sa gabing ito.
Higit sa lahat, isang pasasalamat din sa buong staff ng aking opisina at sa aking pamilya. Salamat sa inyong walang-sawang pag-alalay, sipag, at pagtutulungan para masig**ong maayos at matagumpay ang lahat.
Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! Mahal ko kayo! ✨💙
Make Up by: Kit Ramirez Gozon
Hair by: Jhe R Ome
Gown by: JWASH & JHAYDIE’S COLLECTION