NHA NCR North Sector

NHA NCR North Sector Managed by The National Housing Authority NCR North Sector Office which covers the cities of Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela

Nagsagawa ng Community and Households Socio-Economic Profiling through Tagging and Census Operation (CoHSEP-TCO) ang NHA...
28/05/2026

Nagsagawa ng Community and Households Socio-Economic Profiling through Tagging and Census Operation (CoHSEP-TCO) ang NHA NCR-North Sector Office, Resettlement and Development Services Department (RDSD) at lokal na pamahalaan ng Valenzuela City para sa mga residente ng Pinalagad, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Ang nasabing aktibidad ay parte ng inisyatibo ng Ahensiya upang matukoy ang kalagayan ng mga informal settler families (ISFs) na naninirahan sa mga mapanganib na lugar, gaya ng mga daanan ng tubig, riles ng tren at mga apektado ng proyektong-imprastraktura ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang mga residenteng sumailalim sa CoHSEP-TCO ay nakatira sa gilid ng Tullahan River na bumabaybay sa lungsod.

Samantala, nakatakda ring magsagawa ng CoHSEP-TCO ang NHA at Valenzuela City sa mga ISFs ng Timog Silangan, Brgy. Marulas, Valenzuela City.




Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1264 s. 2026, SARADO ang mga tanggapan ng National Housing Authority NCR-Nort...
26/05/2026

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1264 s. 2026, SARADO ang mga tanggapan ng National Housing Authority NCR-North Sector sa Miyerkules, Mayo 27, 2026, bilang paggunita sa Eid'l Adha o Fiest of Sacrifice.

Kaugnay nito, magbabalik-operasyon ang NCR-NSO sa Huwebes, Mayo 28, 2026, 8:00 a.m. - 5:00 p.m.

Samatala, pinaaalalahan din ang lahat na kasalukuyan pa ring nagpapatupad ng Work From Home (WFH) arrangement ang Ahensiya tuwing Biyerenes. Ang lahat ay inaabisuhang planuhin ang pagbisita sa aming mga tanggapan. Para sa inyong mga katanungan, suhestiyon at iba pang hinaing, maaaring tumawag sa aming numero o magpadala ng menshae sa aming email at Facebook Messenger na matatagpuan sa ibabang larawan.




19/05/2026

Kaisa ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo, alinsunod...
11/05/2026

Kaisa ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 818, s. 2025.
Bitbit ang temang “Achieving Results through Transparency and Accountability (ARTA): Towards a More Productive Bagong Pilipinas,” higit pang pinagbubuti ng NHA ang aming mga proseso at sistema upang makapaghatid ng mas mabilis, tapat, at de-kalidad na serbisyo para sa bawat Pilipino.








Kaisa ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 818, s. 2025.

Bitbit ang temang “Achieving Results through Transparency and Accountability (ARTA): Towards a More Productive Bagong Pilipinas,” higit pang pinagbubuti ng NHA ang aming mga proseso at sistema upang makapaghatid ng mas mabilis, tapat, at de-kalidad na serbisyo para sa bawat Pilipino.







The NHA NCR-North Sector Office and its District Offices in the CAMANAVA area is looking for Interns under the Departmen...
07/05/2026

The NHA NCR-North Sector Office and its District Offices in the CAMANAVA area is looking for Interns under the Department of Labor's Government Internship Program (GIP).

For interested applicants, you may email your application along with the required documentation at the details provided below. Deadline of application is until May 12, 2026, 5:00 p.m. only.



Bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa o Labor Day, SARADO ang mga tanggapan ng NHA NCR-North Sector bukas, May 1, 2...
30/04/2026

Bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa o Labor Day, SARADO ang mga tanggapan ng NHA NCR-North Sector bukas, May 1, 2026.

Magbabalik-operasyon ang Ahensiya sa Lunes, May 4, 2026.


TIGNAN: Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, SARADO ang mga tanggapan ng National Housing Authority  sa Huwebes, Abri...
08/04/2026

TIGNAN:

Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, SARADO ang mga tanggapan ng National Housing Authority sa Huwebes, Abril 9, 2026. Samantala, patuloy rin na nagpapatupad ng Work From Home Arrangement ang Ahensiya tuwing Biyernes.

Magbabalik ang face-to-face operation ng NCR-North Sector Office sa Lunes, Abril 13, 2026 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.





🏘️ MAGANDANG BALITA, MGA KA-NHA! 🏠Ang NHA ay nasa GCash na! 📱Wala nang hassle! Dahil simula ngayon, MAS PINADALI at MAS ...
07/04/2026

🏘️ MAGANDANG BALITA, MGA KA-NHA! 🏠

Ang NHA ay nasa GCash na! 📱

Wala nang hassle! Dahil simula ngayon, MAS PINADALI at MAS MABILIS na ang pagbabayad ng inyong buwanang amortisasyon gamit ang inyong GCash App.

Narito ang simpleng mga hakbang upang manatiling updated sa inyong bayad para sa inyong pinapangarap na tahanan:







Alinsunod sa Presidential Memorandum Circular No. 116 na may petsang Marso 31, 2026, ipatutupad ng NHA NCR-North Sector ...
31/03/2026

Alinsunod sa Presidential Memorandum Circular No. 116 na may petsang Marso 31, 2026, ipatutupad ng NHA NCR-North Sector Office ang Work From Home (WFH) Arrangement bukas, Abril 1, 2026, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Samantala, pansamantalang ititigil ang operasyon ng ahensya simula Abril 1, 2026, ika-12:00 ng tanghali hanggang Abril 3, 2026 bilang paggunita sa Kuwaresma 2026.

Magbubukas muli ang mga tanggapan ng NHA sa Lunes, Abril 6, 2026.




Matagumpay na naisagawa ang Ceremonial Signing ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng National Housing Atuho...
11/02/2026

Matagumpay na naisagawa ang Ceremonial Signing ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng National Housing Atuhority (NHA) NCR - North Sector Office at Newfort Manpower Services Corporation kahapon, ika-10 ng Pebrero 2026 sa NCR - North Sector Office, Navotas City.

Sa bisa ng MOU, magsasagawa ng iba't ibang Local Recruitment Activities (LRA) ang Newfort para sa mga benepisyaryo ng Ahensiya sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela. Layunin nito na makapaghatid ng mas malawak na oportunidad sa trabaho at pangkabuhayan upang maging mas mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo ng proyektong pabahay ng Ahensiya.

Pinangunahan nina NCR - North Sector Office Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio at Newfort Manpower Services Corporation President Jeremiah Angelo G. Bering ang nasabing ceremonial signing ng MOU. Habang saksi naman sa nasibing kasunduan sina Newfort Manpower Services Corporation Treasurer Bb. Annely G. Bering at District Manager ng NHA - MANAVA District Office Bb. Mishella T. Cruz.

Kaugnay nito, nakatakdang mamahagi at magpaskil ng anunsiyo ang Newfort at NHA sa mga proyektong pabahay para sa mga interesadong dumalo at magpalista sa nasabing LRA.




Address

Apahap St. Corner Bangus St. , Brgy. North Bay Boulevard South/Kaunlaran
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NHA NCR North Sector posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share