17/06/2026
📚 Jampacked Library!
Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating Books and Brew: Discover, Read, and Connect!
Naging matagumpay ang ating aktibidad na dinaluhan ng halos 200 na bisita ngayong araw sa bagong tahanan ng ating City Library.
Naging bahagi nito ang orientation sa mga serbisyo ng City Library, pagbabasa ng mga libro, at pakikipagkilala sa kapwa mag-aaral at mga bisita habang ine-enjoy ang libreng kape at snacks na handog ng ating City Library.
Ang Books and Brew ay isang buwanang programa ng City Library na naglalayong hikayatin ang pagbabasa, pagkatuto, at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng isang masaya at makabuluhang aktibidad na may kasamang kape.
Kitakits muli sa susunod na Books and Brew sa Hulyo! 📖☕