21/11/2023
Magandang araw kabataan ng NBBS Proper! ✨
Para sa huling proyekto ng ating kasalukuyang Sangguniang Kabataan ng NBBS Proper, tayo po ay mamamahagi ng financial assistance para sa ating mga Junior High School, Senior High School at College Students S.Y 2023-2024 ng ating barangay. Ito ay para sa lahat ng magaaral ng public/private school at pasok sa ating qualifications.
Mayroon po tayong slots na:
70 - College Students
70 - Senior HS Students
70 - Junior HS Students
Ito po ay first come, first serve basis. Kami po ay tatanggap lamang ng mga estudyanteng makakapagpasa ng kumpletong requirements. Wala pong reservation o registration na kailangang lagdaan.
Sa lahat po ng kwalipikado at gustong magpasa, maari po ninyong isubmit ang mga nasabing requirements sa darating na Huwebes sa oras na 10:00 A.M - 5:00 P.M.
Saan: BGRY HALL, CATTLEYA STREET (edited)
Mangyari lamang na isubmit ang documents kay ate Juvy o sa ating mga SK Kagawad & SK Chairman: Richard Rosales sa mismong araw ng pasahan.
Hindi po pwede ang magpasabay, ang inyo pong mga magulang ang pwedeng magsubmit kung hindi makakapagpasa ang estudyante.
Ang mga requirements ay kailangang iphotocopy ng tatlong (3) piraso at ilagay sa long brown envelope.
Para sa isa sa ating requirements:
Certificate of Indigency purpose: SK Educational Cash Assistance.
Kung wala pong Student ID, kami po ay tatanggap ng Valid ID.
Ang Proof of Residency ay makukuha po sa Barangay.
Maraming salamat po! 💛 !