Aldrin “Aeen” Lupisan

Aldrin “Aeen” Lupisan TANZA 1, NAVOTAS CITY

19/08/2026

Patnubay at Proteksyon para sa Kabataang Navoteño!

Bilang inyong lingkod at Chairwoman ng Committee on Women, Children and Family sa konseho, ang kaligtasan, kalusugang pangkaisipan (mental health), at kapakanan ng bawat batang Navoteño ang ating pangunahing priyoridad.

Ang mga kamakailang kaganapan sa ating bansa ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang pagtataguyod ng isang ligtas na kapaligiran sa loob man ng tahanan, komunidad, o paaralan ay responsibilidad nating lahat.

Mga Paalala para sa Komunidad at mga Magulang:

✅Bukas na Komunikasyon:
Hikayatin nating magsalita ang ating mga anak tungkol sa kanilang mga nararamdaman at karanasan araw-araw.

✅Pagbabantay sa Online Safety:
Maging mapagmatunghay sa mga nilalaman na nakikita at ibinabahagi ng ating mga kabataan sa social media upang maiwasan ang maling impormasyon at cyberbullying.

✅Mental Health Support: Bigyang-halaga ang emosyonal na kalagayan ng ating mga kabataan at tiyaking mayroon silang ligtas na espasyo para humingi ng tulong.

Katuwang ang Pamahalaan, patuloy po nating pinapalakas ang mga programa sa Navotas para sa proteksyon at karapatan ng bawat bata at pamilya.

- Konsi Liz LUPISAN 💙

10/08/2026

Tayo po ay personal ding nakaranas ng malakihang baha rito sa ating lungsod noong mga nakaraang taon, alam na alam ko ang hirap, perwisyo, at takot na dinaranas ng bawat pamilyang Navoteño tuwing dumarating ang Habagat at High Tide.

Kaya naman ngayong isang linggo tayong hinagupit ng
sama ng panahon ngunit nanatiling FLOOD-FREE at gumagana nang maayos ang mga FLOOD CONTROL PROJECTS SA NAVOTAS, hindi ko mapigilang mapangiti at magpasalamat. Dahil ang inyong lingkod ay isa ring buhay na saksi sa ginhawang ito!

Mula sa nakaraan nating bangungot hanggang sa kasalukuyang ligtas nating komunidad. Isang malaking pasasalamat sa ating pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa inyong walang-humpay na aksyon, malasakit, at pakikinig sa bawat hinaing ng mamamayan ng Navotas! 🫡💙

- Konsi Liz LUPISAN

CONGRATULATIONS!🎖️Karangalan mo, karangalan ng Navotas. 💙
11/06/2026

CONGRATULATIONS!🎖️
Karangalan mo, karangalan ng Navotas. 💙

18/05/2026

Isang malaking karangalan para sa ating lungsod! Mula sa pag-aaral hanggang sa pagsisilbi sa bayan, kitang-kita na ang iyong kahusayan!

Taos-pusong pagbati sa aking inaanak, Secretary Kim Robert de Leon, sa iyong pagkatalaga bilang bagong Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM). Bilang pinakabatang miyembro ng Gabinete ng bansa, ikaw ay tunay na inspirasyon sa mga kabataan at patunay na ang galing at husay ng taga-Navotas ay world-class!

Proud na proud ang iyong Ninang at ang buong Navotas sa iyo. Ipagpatuloy mo ang tapat at mahusay na paglilingkod sa ating bansa! 🇵🇭

- Ninang Konsi Liz Lupisan 💙

17/05/2026
CONGRATULATIONS!🎖️
05/11/2025

CONGRATULATIONS!🎖️

Address

Tanza 1
Navotas
1490

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aldrin “Aeen” Lupisan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category