Romy Manalo

Romy Manalo Official page of Brgy. North Bay Blvd. South - Kaunlaran Punong Barangay Romy Manalo

Audition na mga Kaunlareno ! Brgy Nbbs Kaunlaran 🎵🎵🎙️🎙️🎙️🎙️❤️❤️❤️❤️❤️
04/09/2026

Audition na mga Kaunlareno ! Brgy Nbbs Kaunlaran 🎵🎵🎙️🎙️🎙️🎙️❤️❤️❤️❤️❤️

📌ABISO KAUNLARENO📌Bagamat Wala pong naging abiso sa nakaraang mga araw ngunit nawawalan padin tayo, kaya sa Setymbre 4 n...
03/09/2026

📌ABISO KAUNLARENO📌

Bagamat Wala pong naging abiso sa nakaraang mga araw ngunit nawawalan padin tayo, kaya sa Setymbre 4 ng 9:00 pm gang kinabukasan ng Setyembre 5,2026 ng 6:00 am ang mawawalan, mabuti nalang po magsinop tayo at mag-ipon sa tubig sa dakong gabi minsan nawawalan. Tayo po ay nakapaghanda ng pagpupulong sa Maynilad sa susunod na Lunes upang mapagusapan ang ilan naging problema lalo nang nakaraang water interruption na walang abiso at mga pananagutan nila sa mga nangyayari emergency leak repair at iba pang insidente.

📌BASKETBALL BOARD AND RING PARA SA KABATAANG NG ASUHOS PHASE 1-A📌At bilang pagtupad sa kanilang hiling tayo po ay nagbig...
03/09/2026

📌BASKETBALL BOARD AND RING PARA SA KABATAANG NG ASUHOS PHASE 1-A📌

At bilang pagtupad sa kanilang hiling tayo po ay nagbigay ng Board at Ring para sa Half Court na pinaglalaruan at Pinaglilibangan ng mga Kabataan sa Phase 1-A Barangay Nbbs Kaunlaran❤️👍❤️👍

Salamat po Konsi Arvie Vicencio na Personal pang iniabot ang Ring na kakailanganin sa board katuwang si Kagawad Paolo Mesina at ang Youth Organization ng Siklab Kabataan naging daan upang maiparating sakin at mabigyan ng kahilingan ang kanilang pangangailangan. Magingat lamang po sa inyong paglalaro at patuloy lang ang pagsuporta sa isports para sa Kabataang Kaunlareno 🔥🔥❤️❤️


📌PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. Barangay Scholars under the "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM 2026"ng ating Barang...
03/09/2026

📌PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. Barangay Scholars under the "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM 2026"ng ating Barangay Nbbs Kaunlaran📌

At ang Karagdagang 2 Tent at 100 pcs na Bangko ayon sa napagkasunduan ng mga Liga ng mga Barangay sa Navotas. Lubos po ang aming pasasalamat sa ating Mayor John Rey Tiangco sa pag gabay at Liga ng mga Barangay President Konsi Kap.Alvin Oliveros at sa bumubuo ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at lalo na po sa ating mahal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Kgg. Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr..❤️❤️❤️👍👍👍

Kami po ay inyong kaakibat sa pagpapatatag ng mga serbisyong para sa bayan at makapaghatid ng inyong programa tunay na may malasakit sa bawat Pilipino. Sa ating mga scholars nawa'y patuloy kayong magsikap upang maabot ang inyong pangarap at mithiin sa buhay.

Mula po Sangguniang Barangay ng Nbbs Kaunlaran , MARAMING MARAMING SALAMAT PO!


❤️💚

📌BOKASHI THROWING AT LAPU-LAPU AVENUE WITH BARANGAY NBBS DAGAT-DAGATAN AND OUR BARANGAY NBBS KAUNLARAN📌Mula sa DENR, Cen...
02/09/2026

📌BOKASHI THROWING AT LAPU-LAPU AVENUE WITH BARANGAY NBBS DAGAT-DAGATAN AND OUR BARANGAY NBBS KAUNLARAN📌

Mula sa DENR, Cenro at Aboitiz therma Mobile at sa tulong ng mga kawani ng dalawang barangay ay dumako na tayo sa exciting part at Paghahagis ng Bokashi Balls sa ating Ilog sa Lapu-Lapu Avenue boundary ng Dagat- Dagatan at Kaunlaran.

Bokashi balls ang sagot sa epektibong panglinis ng mga estero at ilog kaya kaninang umaga ng 7:30 , Setyembre 2, 2026 sa Lapu- Lapu Avenue.

Ito ay nagmula sa Japan. Ito ay binubuo ng organic materials tulad ng garden soil, molasses at rice hull. Tinatapon ang mga ito sa mga estero at iba pang bodies of water para maalis ang toxins at bacteria sa tubig. At ngayon ginagawa na ito sa ibat ibang parte ng pilipinas. Salamat Kap Doming Elape at kay Mam Princess ng Cenro Navotas at sa ating mga mahal na kaibigan mula sa Aboitiz Power Therma Mobile Inc. at sa mga Kawani nating masisipag mula sa paggawa hanggang sa huli.

31/08/2026

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Detalye sa comment section:




31/08/2026

Hatid ng City Government of Navotas, katuwang ang Integrated Bar of the Philippines CALMANA Chapter, ang Free Legal Services Caravan para sa mga Navoteñong nangangailangan ng legal assistance.

Ito ay gaganapin sa 1 September 2026, Martes, 1:00–5:00 PM sa Pangisdaan Hall, 4th Floor, Navotas City Hall. May libreng legal consultation, notary services, tulong sa pagproseso ng legal documents, at iba pa.

Kung nangangailangan ng legal advice and assistance, ito na ang inyong pagkakataon.


31/08/2026
31/08/2026

Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang at sakripisyo ng ating mga bayani.

Nagbabago man ang panahon, hindi nagbabago ang diwa ng paglilingkod at malasakit sa kapwa. Sa sarili nating paraan, ipagpatuloy natin ang magandang halimbawang iniwan nila.

Maligayang Araw ng mga Bayani, mga Navoteño! 🇵🇭

📌MONITORING ALL OVER NBBS KAUNLARAN📌Mula galing sa kasalukuyan Seminar sa Paranaque tayo po ay bumaba kaninang umaga dah...
28/08/2026

📌MONITORING ALL OVER NBBS KAUNLARAN📌

Mula galing sa kasalukuyan Seminar sa Paranaque tayo po ay bumaba kaninang umaga dahil sa aking agam agam na maisip ang kalagayan ng ating lugar dala ng Hanging Habagat, Kaya sumandali ako para ikutin ang ating nasasakupan at siguruhin na gumagana ang ating mga Pumping Station.

Manatili po tayo sa ating mga bahay at mayroon rin naman po pasok subalit wala pong Face to Face Classes kaya mas maigi agapan ang ating mga anak at laging always alert and ready na makinig sa advisory mula sa ating Sangguniang Panglungsod pababa sa ating Pamahalaang Barangay katuwang po natin sa pagmomonitor ang Bdrrmo at Peace and Security team ng ating barangay.

Nawa'y maging maaliwalas ang panahon ngayong weekend at manatili tayong ligtas , at maging protektado sa ganitong panahon ng rainy season, palagi tayong nakaantabay san man tayo magtungo basta agarang aksyon at inyong kooperasyon ay mas ramdam natin ang pagmamahal ng ating mga kapwa Kaunlareno ❤️👍💚

Address

Brgy. NBBS Kaunlaran
Navotas
1485

Telephone

+639665314861

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Romy Manalo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category