Malabon City Youth Development Unit

Directions

Malabon City Youth Development Unit The official account for the City Government of Malabon's Youth Development Unit and Malabon City Youth Development Council


25/10/2026
25/10/2026

ALAMIN | Paano Tinutukoy ang Pamasahe ng E-Trike at E-Quad?

Para maiwasan ang kanya-kanyang singil at maging malinaw sa bawat pasahero ang tamang pamasahe, nagtatakda ang ordinansa ng minimum fare at opisyal na Fare Matrix para sa mga For-Hire E-Trike at E-Quad.

PAMASAHE
₱15.00 — Minimum Fare
₱2.00 — Bawat susunod na kilometro

May 20% DISCOUNT para sa:
👵 Senior Citizens
♿️ Persons with Disabilities
🎓 Students

📍 Paalala sa mga operator at driver: Dapat nakapaskil sa bawat For-Hire unit ang opisyal na Fare Matrix upang malinaw sa pasahero ang tamang pamasahe at diskuwento

Malinaw na pamasahe. Walang kanya-kanyang singil. May pananagutan.

Alamin ang inyong karapatan bilang pasahero at sundin ang itinakdang pamasahe.

25/10/2026
25/10/2026

🏛️📚 LIBRENG PASYAL, MAY BAONG KUWENTO! TARA SA MALABON HERITAGE LIBRARY-MUSEUM!

Malabueño, gaano mo kakilala ang lungsod na tinatawag mong tahanan? 💙

Mula sa mga lumang larawan at makasaysayang tala hanggang sa mga tradisyong ipinagmamalaki natin ngayon, marami pang kuwentong naghihintay na matuklasan tungkol sa Malabon!

Sa Malabon Heritage Library-Museum, maaaring balikan ang makulay na kasaysayan ng ating lungsod sa pamamagitan ng mga aklat, sanggunian, at iba pang materyales tungkol sa lokal na kultura at pamana.

Isa sa maaari mong basahin dito ang bagong historical coffee table book na “Malabon Through the Centuries: Ang Tambobong sa Nakaraang Apat na Raang Taon.” Tampok dito ang mahahalagang tala, larawan, at kuwentong nagbibigay-buhay sa mahigit apat na siglong kasaysayan ng Malabon.

Kaya ngayong Museums and Galleries Month, bakit hindi gawing bahagi ng inyong bonding ang isang makabuluhang pagbisita? Puwedeng magbasa, matuto, at tumuklas ng mga bagong kaalaman kasama ang pamilya, mga kaibigan, o kaklase. Para rin ito sa mga estudyanteng naghahanap ng sanggunian at sa sinumang nais pang makilala ang sariling lungsod.

At ang pinakamaganda? LIBRE ANG PAGPASOK! 💙

📍 Malabon Heritage Library-Museum M. Blas St., Brgy. Hulong Duhat, Malabon City (Katabi ng Barangay Hall ng Hulong Duhat)
🕖 Monday to Thursday | 7:00 AM–6:00 PM 🎟️ FREE ADMISSION

Tara, Malabueño! Baka sa susunod mong pagbisita, may matuklasan kang kuwento ng Malabon na maikukuwento mo rin sa iba.

24/10/2026

📱🔎BAGO I-SHARE, SIGURADUHIN MUNA

Isang click lang, puwedeng makarating sa maraming tao ang isang post. Kaya bago maniwala, mag-comment, o mag-share, mahalagang itanong muna: Totoo ba ito? Saan galing? Kumpleto ba ang impormasyon?

Mula Oktubre 24–31, ipinagdiriwang ang Global Media and Information Literacy Week 2026 sa temang “We All Play a Part – Media and Information Literacy for the People.” Paalala ito na may papel tayong lahat sa pagbuo ng mas maayos at mapagkakatiwalaang espasyo ng impormasyon, lalo na ngayong mabilis kumalat ang content sa social media at mas laganap ang paggamit ng artificial intelligence.

Sa Malabon, mahalaga ang tama at malinaw na impormasyon para makagawa ng wastong desisyon ang bawat Malabueño. Kaya patuloy na ginagamit ng lungsod ang mga opisyal na digital platform upang maghatid ng mga anunsyo, abiso sa panahon at sakuna, impormasyon sa serbisyo, programa, at iba pang update na kailangang malaman ng publiko.

Bilang bahagi natin, simple lang ang puwedeng gawin: basahin nang buo, tingnan ang pinagmulan, i-check ang petsa at detalye, at huwag agad mag-share kapag hindi sigurado.

Dahil sa panahon ng napakaraming impormasyon, ang pagiging mapanuri ay isa ring paraan ng malasakit sa kapwa. 💙

24/10/2026

Isang karangalan na naman para sa Malabon! Congratulations to Sophia Rose Garra for being named Most Outstanding Swimmer – Girls’ 14-Year-Old, Class A Division at the Philippine Aquatic Speedo-Smart Short Course National Championships 2026!

Ang patimpalak ay idinaos noong Oktubre 2–4, 2026, sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac, tampok sa prestihiyosong kompetisyong ito ang talento, disiplina, at dedikasyon ng mga batang manlalangoy na Pilipino.

Patunay ang tagumpay na ito ng sipag, tiyaga, at determinasyong abutin ang mga pangarap. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa kapwa kabataang Malabueño na patuloy na magsikap at magpunyagi sa larangan ng palakasan.

Congratulations, Sophia Rose! Patuloy mong ipagmalaki ang Malabon at ang buong sambayanan! 💙

23/10/2026

Address

Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard
Navotas
1470

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Youth Development Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share