24/08/2026
ABISO NAVOTEÑO | Mayroon pong PhilSys National ID Registration ang PSA ngayong Agosto 22, 2026 at Agosto 29, 2026 (Sabado), 8:00AM-5:00PM sa Navotas City Hall Lobby.
Walk-in ang pagpaparehistro kaya hindi na kailangang magpa-schedule.
Inaanyayahan po ang mga Navoteñong wala pang National ID na samantalahin ang pagkakataong ito.
Mga kailangang dalhin:
• Anumang Valid ID na may nakalagay na araw ng kapanganakan (birthday) at tamang pangalan; o
• Original Birth Certificate na may Registry Number (tinatanggap ang kopya mula sa Local Civil Registry o PSA copy)