21/05/2026
๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐๐ | ๐ฐ๐ฐ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Sa ika-44 na Regular Session ng Sangguniang Bayan, ang inyo pong lingkod ay naglahad ng isang privilege speech kaugnay sa matagal nang suliranin sa kahabaan ng KM33, Calapan South Road, Barangay Adrialuna Section.
Bilang kinatawan ng District 2 at residente mismo ng Brgy. Adrialuna, akin pong ipinahayag ang malasakit at panawagan para sa agarang pagkilos ukol sa lumalalang kondisyon ng naturang national highway na matagal nang nagdudulot ng panganib sa mga motorista at mamamayan.
Kaya naman, ninais po nating magpasa ng isang resolusyon na humihiling sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pamamagitan ni Atty. Nicasio A. Conti, Undersecretary for Planning Service, Public-Private Partnership Service, Support Services and National Building Code Development Office, para sa repair, rehabilitation, at improvement ng nasabing kalsada.
Ang Calapan South Road ay isa sa pangunahing rutang nag-uugnay sa Hilaga at Timog ng Mindoro kaya mahalaga ang agarang pagsasaayos nito upang matiyak ang kaligtasan ng bawat biyahero at mamamayan.
Patuloy po nating isulong ang ligtas, maayos, at maunlad na imprastraktura para sa bawat Naujeรฑo at Mindoreรฑo.
#๐๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ผ๐น๐ผ๐ฟ #๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฃ๐๐ง๐ฑ๐ฎ๐ฃ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐๐ฟ๐ฎ๐ป