07/06/2020
May dumating po tayong mga resulta ngayong araw na tatlumpu’t pito (37) na resulta at tatlumpu’t anim (36) nito ay negative (-). Ikinalulungkot naming ibalita na nadagdagan ng isa (1) ang positive case natin na si NP26.
Sa ilalim po ng programa ng ating RHU na “Seek, Isolate and treat”, pro-active po ang approach at inuna ang mga vulnerable tulad ng may mga sakit, senior citizens na may comorbidity, dialysis patient at kamakailan ay mga buntis. Si NP26 po ay asymptomatic at buntis na kasalukuyang naka isolate. Tuloy ang contact tracing at quarantine ng mga close contacts.
Atin pong ipagdasal ang mabilisang pag galing ng ating nagpositibong mga kababayan.