10/04/2026
MENROpinion:
โ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ค๐ฆ๐ฃ๐
โโ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ผโโ๐?โ
May mga nagsasabi na namimili daw ang pagkolekta ng basura.
Sa isang bandaโtama po. Choosy talaga kami.
Pero hindi po ito dahil sa gusto lang namin.
Namimili kami dahil may sinusunod tayong sistema.
Sa Bayan ng Narra, ang waste collection ay nakaayos ayon sa:
โข itinakdang schedule
โข coverage (regular at on-call collection at special collection)
โข tamang segregation (Hindi kukunin ang halo-halo)
โข at pag-avail ng serbisyo
Ang regular na koleksyon ay:
-Monday/Tuesday - Poblacion
-Wednesday - Panacan
-Thursday - Panacan 2
-Friday - Antipuluan
Ang natiturang 19 Barangays, nasa on-call system kung saan ang basura ay dinadala sa itinalagang lugar sa Baranagy at doon kukunin ng mga collector ng MENRO matapos tumawag ng in-charge para kunin. Kaya ON-CALL basis.
May minimal service fee na โฑ60 kada buwan para sa residual waste collection. May mga palatandaan din tulad ng flaglet para malaman kung sino ang naka-avail ng serbisyo.
Para naman sa mga negosyo, kinakailangan ang Business Permit.
Ito po ay hindi dagdag pahirap, kundi bahagi ng maayos at patas na sistema ng pamamahala ng basura.
Ang bayad ay hindi po napupunta sa kolektor o sa MENRO.
Ito ay binabayaran sa Municipal Treasurerโs Office na may kaukulang resibo.
Sa madaling salita, hindi po kami namimili ng taoโ
namimili po kami batay sa sistema.
Ang sistema ay ginawa hindi para mang-abala, kundi para maging patas sa lahat.
๐๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐.
๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ด๐ถ ๐ฝ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐น๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป.
Municipality of Narra - Palawan
Sangguniang Bayan Narra