08/09/2026
PAGKAKALOOB NG DESKTOP COMPUTER SET NA MAY PRINTER
Brgy. East Central Poblacion, Nampicuan, Nueva Ecija
Setyembre 08, 2026
Taos-puso at buong puso naming ipinapaabot ang aming taimtim na pasasalamat sa TARELCO I, sa pamamagitan ni Director Ma’am Lourdes Mangosing, at kay Hon. Mayor Mario G. Lacurom, sa pagkakaloob sa aming Barangay ng isang Desktop Computer Set na may Printer.
Ang malaking tulong at biyayang ito ay makatutulong nang malaki sa aming Barangay, lalo na sa pagpapabuti at pagpapabilis ng aming mga gawaing administratibo at pagbibigay ng mas maayos na serbisyo para sa aming mga mamamayan.
Ang aming Punong Barangay, Hon. Albert O. Alanzalon , kasama ang lahat ng Barangay Officials, ay taos-pusong nagpapasalamat, lubos na nagpapahalaga, at labis na ikinagagalak ang makabuluhang proyektong ito at tulong na ipinagkaloob sa aming Barangay.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit sa aming komunidad. Ang inyong kabutihang-loob ay tiyak na makatutulong upang mas mapabuti pa ang aming paglilingkod sa aming mga kababayan.
Maraming, maraming salamat po, TARELCO I, Director Ma’am Lourdes Mangosing, at Hon. Mayor Mario G. Lacurom! ❤️
Mula sa: East CEntral Pob Council 🇵🇭