19/02/2026
๐๐๐ ๐ฝ๐ก๐ช๐๐ฅ๐ง๐๐ฃ๐ฉ: ๐๐ค๐ค๐ก๐จ ๐๐ค๐ง ๐ฎ๐ค๐ช๐ง ๐ฃ๐๐ญ๐ฉ ๐๐๐๐ฅ๐ฉ๐๐ง.
Lumipas ang limang araw simula noong makatanggap ng mga mamahaling bulaklak, matatamis na tsokolate at nakakakilig na mensahe ang ating mga aktibong Kabataan. Muling pinatunayan na walang pinipili ang pagmamahal at nawa'y maging simula ito upang maimulat ang bawat isa na araw-araw dapat tayong nagmamahal at minamahal.๐๐ซ
Pagkakataon naman ngayon upang kumustahin at alayan ng mga simpleng kagamitan sa pag-aaral ang mga minamahal nating Kabataang Bucaneers!๐ Hindi tayo makalilimot lalo na sa larangan ng edukasyon. Maninindigan pa tayo sa makabuluhang paghahasa ng mga Kabataan.๐งโ๐ป
Ang programang ito ay inihahandog para sa mga Kabataang sakop ng labinlima (15) hanggang tatlumpung (30) taong gulang at kasalukuyang nasa Baitang pito (7) hanggang labindalawa (12).
Magpapadala ng mensahe ang mga Opisyales ng Sangguniang Kabataan para sa mga itinalagang makatatanggap nang nabanggit na benepisyo.๐ Maraming Salamat Bucana Malaki, sa suporta, paniniwala at tiwala hanggang sa mga natitirang ilang buwan ng aming pagseserbisyo.๐ซก