Provincial Fisheries Office - Cavite

Provincial Fisheries Office - Cavite Aquaculture, Capture Fisheries, Aquatic Resources and Post Harvest Fisheries

๐๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐Nanumpa bilang bagong Mangingisdang Direktor (Regional Fisherfol...
06/05/2026

๐๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐

Nanumpa bilang bagong Mangingisdang Direktor (Regional Fisherfolk Director) ng CALABARZON si G. Ismael โ€œKa Maelโ€ Rino mula sa probinsya ng Rizal. Bilang bahagi ng kanyang tungkulin ang pagbisita at pag-oobserba sa mga pasilidad, serbisyo, proyekto at programa na isinasagawa ng ahensya sa rehiyon.

Ang pagtatalaga ng Mangingisdang Direktor ay isinagawa alinsunod sa Department of Agriculture Special Order No. 88, s. 2005, na kilala rin bilang "Fisherfolk Director Program." Ang pagtatalaga na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda tuwing buwan ng Mayo na may temang "Boses ng Mangingisdang Pilipino, sa Bagong Pilipinas, Ipagpugay natin ito!โ€.

Sa mensahe ni Regional Director Sammy Malvas, hinikayat nya ang mga lider mangingisda na patuloy na pangunahan at panatilihin ang alab ng tapat at mahusay na pagserserbisyo sa ating mga mangingisda maging sa komunidad, at bilang katuwang sa pag papaunlad ng sektor ng pangisdaan.

Taos-pusong pagbati kay Ka Mael mula sa BFAR CALABARZON! Mabuhay ang sektor ng pangisdaan at ang ating mga lider-mangingisda!

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’œ๐ŸŽ‰Isang masayang pagbati sa lahat ng kababaihan na katuwang sa pagtataguyod ng sektor ng...
08/03/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’œ๐ŸŽ‰

Isang masayang pagbati sa lahat ng kababaihan na katuwang sa pagtataguyod ng sektor ng pangisdaan. ๐Ÿ’œ๐ŸŸ

Orientation sa Pag-aalaga ng Australian Redclaw Crayfish sa CALABARZON Sa pangunguna ni Regional Director Sammy Malvas ,...
23/02/2026

Orientation sa Pag-aalaga ng Australian Redclaw Crayfish sa CALABARZON

Sa pangunguna ni Regional Director Sammy Malvas , nagsagawa ng orientation kaugnay ng Bureau Administrative Circular (BAC) No. 001, s. 2025 para sa mga Local Government Units (LGUs) at stakeholder's ng CALABARZON. Dumalo rin ang ilang indibidwal mula sa pribadong sektor at State Universities and Colleges (SUCs), kabilang ang mga kalahok mula sa karatig-rehiyon na nakiisa sa pamamagitan ng online platform.

Layunin ng aktibidad na ipaliwanag ang Guidelines on the Culture of Australian Redclaw Crayfish (ARC) o Cherax quadricarinatus sa Pilipinas. Sa talakayan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahokโ€”kasama ang online participantsโ€”na malayang maipahayag ang kanilang mga katanungan at concerns. Binigyang-linaw ang mga isyu at pangamba, at ipinaliwanag ang kahalagahan ng maayos at responsableng pamamahala ng ARC. Binigyang-diin na dahil hindi ito likas sa bansa, kinakailangang maging maingat sa pag-aalaga at pagbabantay upang maiwasan ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni RD Malvas ang lahat na maging aktibong katuwang ng ahensya. Aniya, kung may makita o maranasang anumang concern sa pag-engage sa ARC culture, agad itong ipagbigay-alam sa BFAR upang mabigyan ng tamang aksyon. Binigyang-diin niya na ang bukas na komunikasyon at pagtutulungan ang susi sa maayos at responsableng pagpapatupad ng polisiya na ito.




Monitoring ng Salt Industry Project sa CALABARZON Binisita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) CALABARZO...
23/02/2026

Monitoring ng Salt Industry Project sa CALABARZON

Binisita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) CALABARZON, kasama ang Salt National Program Management Office (NPMO) mula sa BFAR Central Office, ang mga proyektong bahagi ng Development of Salt Industry Project (DSIP).

Sa loob ng apat na araw, personal na binisita at sinuri ang mga DSIP-assisted facilities, kabilang ang mga techno-demonstration sites at ibaโ€™t ibang livelihood interventions na naipagkaloob sa mga salt producers sa rehiyon. Layunin ng aktibidad na alamin ang kasalukuyang kalagayan ng mga proyektong natanggap ng mga benepisyaryo, pati na ang mga pangangailangan at karagdagang suporta na makatutulong upang mas mapalakas at maging matagumpay ang implementasyon ng Salt Project.

Ang mga nakalap na datos at obserbasyon ay magsisilbing gabay sa pagtukoy ng mga dapat pang pagbutihin, pagresolba ng mga hamon, at paglatag ng mga susunod na hakbang para sa mas matatag at mas produktibong salt industry sa rehiyon.




FishCoRe Roadshow, Isinagawa sa Cavite Upang mas maraming grupo ng mangingisda sa baybaying bayan ng lalawigan  na kabil...
23/02/2026

FishCoRe Roadshow, Isinagawa sa Cavite

Upang mas maraming grupo ng mangingisda sa baybaying bayan ng lalawigan na kabilang sa FMA 6 ang makatanggap ng proyekto sa ilalim ng FishCoRe Project, muling nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4A (BFAR 4A) ng FishCoRe Roadshow sa Kawit, Cavite.

Layunin ng aktibidad na maipaliwanag nang malinaw ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Projectโ€”kung ano ito, paano ito makakatulong sa kabuhayan ng mga mangingisda, at paano makaka-avail ng livelihood grants sa pamamagitan ng pagsusumite ng expression of interest.

Dumalo sa roadshow ang mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office, mga lider ng mangingisda, MFARMC, mga negosyante, at kawani ng BFAR 4A. Tinalakay ang mga benepisyo ng proyekto, ang kasalukuyang implementasyon nito sa CALABARZON, at ang mahalagang papel ng bawat isa upang maging matagumpay ang programa.

Namahagi rin ang BFAR 4A ng impormasyon materials at simpleng tokens upang mas madaling maiparating ang mensahe ng proyekto sa mas maraming komunidad.



09/02/2026

Address

CvSU Naic Compound, Bukana Malaki
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63483-0922

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Fisheries Office - Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial Fisheries Office - Cavite:

Shortcuts

Share