Barangay Calubcob Naic Cavite

Barangay Calubcob Naic Cavite Official Page of Barangay Calubcob led by Punong Barangay Hon. NESTOR A. HINALOG SR.

17/08/2026

πŸ“’ PAALALA PARA SA MGA NANGANGAILANGAN NG MEDICO-LEGAL CERTIFICATE

🚨 EMERGENCY O MALUBHA ANG INJURY
-ER muna para sa agarang assessment at treatment, lalo na sa mga natamaan ang ulo o may malubhang injury.

🟠 HINDI EMERGENCY
-Magpatingin muna sa Primary Healthcare Facility upang matugunan at magamot ang sugat o injury.

Nauunawaan po namin ang kahalagahan ng Medico-Legal Certificate. Gayunpaman, maaaring maipagpaliban muna ang dokumentasyon kung kinakailangang unahin ang paggamot, pag-monitor, o pag-refer sa pasyente.

πŸ“Œ Treatment First. Documentation Follows.

πŸ’š Kalusugan at kaligtasan muna bago dokumentasyon.

πŸ“– Pakibasa po ang buong paalala upang maging malinaw ang tamang proseso.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ™πŸ’š

16/08/2026

WALANG PASOK ADVISORY | AUGUST 17, 2026 (MONDAY)

Dahil sa patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Monday, August 17, 2026.

Bagamat walang klase, Tuloy ang pag-aaral! Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral. ayon ito sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.

πŸ”” NaicqueΓ±os Huwag nating kalimutang:

βœ… I-check ang balita sa opisyal na page.
βœ… Maghanda ng emergency kits.
βœ… Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
βœ… Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
βœ… Lumikas kung kinakailangan.
βœ… Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan:

πŸ“ž MDRRMO HOTLINE:
410-5725 / 0917-812-8186
πŸ“ž PNP HOTLINE:
0998-598-5621
πŸ“ž BFP HOTLINE:
0956-4830-226 / 0956-4830-753




16/08/2026

PUBLIC ANNOUNCEMENT: SPECIAL WORK SCHEDULE OF MUNICIPALITY OF NAIC FOR THIS WEEK ONLY

Ayon sa ibinabang Memorandum Order No. 31 S.O 2026. Ipinagbibigay-alam sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang adjustment sa oras ng serbisyo sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Naic para lamang sa linggong ito, Mula August 17, 2026 (MONDAY) hanggang August 20, 2026 (THURSDAY).

Operating hours mula Lunes hanggang Huwebes ay magiging 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Ito ay bilang paghahanda at alinsunod sa idineklarang National Special Non-Working Holiday sa Biyernes, August 21, 2026 (Ninoy Aquino Day) kung kailan mananatiling sarado ang mga tanggapan ng pamahalaan.

SUMMARY SCHEDULE FOR THIS WEEK:
β€’ August 17 – 20 (Lunes - Huwebes): 8:00 AM – 5:00 PM
β€’ August 21 (Biyernes - Ninoy Aquino Day): HOLIDAY

Inaanyayahan ang lahat na isaalang-alang ang schedule na ito sa pagpaplano ng inyong mga transaksyon sa munisipyo ngayong linggo.

Babalik sa regular na schedule ang ating mga tanggapan sa susunod na linggo. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.




16/08/2026
09/08/2026

WORK ADVISORY | WORK-FROM-HOME (WFH) ARRANGEMENT
AUGUST 10, 2026 (MONDAY)

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 mula sa Office of the President, ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Naic na magkakaroon ng WORK-FROM-HOME (WFH) arrangement ngayong Lunes, Agosto 10, 2026, para sa lahat ng opisyales at empleyado ng munisipyo.

Dahil sa nasabing arrangement, inaasahan na magiging limitado ang mga regular na face-to-face na transaksyon sa ilang tanggapan ng munisipyo.

Para sa mga empleyadong naka-WFH, kinakailangang maging online, madaling makontak sa mga official communication channels sa oras ng trabaho, at magampanan ang mga naka-assign na gawain mula sa inyong mga Department o Office Heads.

ESSENTIAL AT FRONTLINE SERVICES

Upang masigurong tuloy-tuloy ang pagbibigay ng mga mahalaga at emergency na serbisyo sa ating mga kababayan, ang mga sumusunod na opisina ay pananatilihin ang kanilang on-site na operasyon:

Β· Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Β· Municipal Health Office (MHO) / Rural Health Units (RHUs)
Β· Naic Traffic Management Office (NTMO)
Β· Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
Β· Municipal Engineering Office (MEO)
Β· Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
Β· General Services Office (GSO)
Β· Public Market / Market Administration
Β· Municipal Agriculture Office at Municipal Veterinary Services
Β· Security, Public Safety, at iba pang Emergency Response Personnel

at Iba pang opisina, units, o personnel na maaaring atasan ng Municipal Mayor, o ng kinauukulang Department Head.

Hinihikayat din ang publiko na re-schedule na lamang sa mga susunod na araw ang mga hindi naman emergency na transaksyon sa munisipyo.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Maging ligtas ang lahat.




09/08/2026

🩸 DIABETES AWARENESS πŸ’™

Ang diabetes ay maaaring makaapekto sa sinuman, ngunit maaaring maiwasan o makontrol sa pamamagitan ng tamang kaalaman at malusog na pamumuhay.

Narito ang ilang paraan upang makatulong sa pag-iwas at pagkontrol ng diabetes:
πŸ₯— Kumain ng masustansya at balanseng pagkain.
πŸƒ Mag-ehersisyo nang regular.
βš–οΈ Panatilihin ang tamang timbang.
🚭 Iwasan ang paninigarilyo.
🩺 Magpa-check ng blood sugar at regular na magpakonsulta sa Health Center kung kinakailangan.

⚠️ Magpatingin agad sa Health Center o Ospital kung nakararanas ng mga sintomas tulad ng:
β€’ Madalas na pag-ihi
β€’ Madalas na pagkauhaw
β€’ Madaling mapagod
β€’ Malabong paningin
β€’ Mabagal na paghilom ng sugat

πŸ’š Ang maagang pag-iwas at regular na pagpapasuri ay susi sa mas malusog na pamumuhay.

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong sa paglinis/pagtanggal ng bara sa tulay ng Walong Butas,  at sa pagpapahiram ng...
09/08/2026

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong sa paglinis/pagtanggal ng bara sa tulay ng Walong Butas, at sa pagpapahiram ng Backhoe ng GRDC, sa pangunguna nang ating butihing kapitan na si Kap Nestor Hinalog, mga BPSO, mga driver at ang ating kapulisan na si sir John Torres at Naic View Task Force.

09/08/2026

WALANG PASOK ADVISORY | AUGUST 10, 2026 (MONDAY)

Dahil sa inaasahang patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Monday, August 10, 2026.

Bagamat walang klase, Tuloy ang pag-aaral! Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral. ayon ito sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.

At sa mga kabataan ating gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

πŸ”” NaicqueΓ±os Huwag nating kalimutang:

βœ… I-check ang balita sa opisyal na page.
βœ… Maghanda ng emergency kits.
βœ… Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
βœ… Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
βœ… Lumikas kung kinakailangan.
βœ… Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan:
πŸ“ž MDRRMO HOTLINE:
410-5725 / 0917-812-8186
πŸ“ž PNP HOTLINE:
0998-598-5621
πŸ“ž BFP HOTLINE:
0956-4830-226 / 0956-4830-753




08/08/2026

Heavy Rainfall Warning No. 27
Weather System: Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 2:00 PM, 08 August 2026(Saturday)
RED WARNING LEVEL: Bataan, Cavite, Metro Manila, Zambales(San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Castillejos, San Antonio, Subic, Olongapo), Batangas(Nasugbu, Tuy, Lian, Balayan, Calatagan, Calaca, Lemery, Taal, San Luis, Bauan, Mabini, Tingloy, Talisay, Laurel, Agoncillo, San Nicolas, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Batangas City, San Pascual, San Jose, Ibaan, Lipa, Mataasnakahoy, Balete, Tanauan, Malvar, Santo Tomas), Pampanga(Lubao, Sasmuan, Masantol, Floridablanca, Macabebe), Bulacan(Hagonoy, Paombong, Malolos, Bulakan, Obando, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Calumpit) and Laguna(Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Binan, San Pedro, Los Banos, Alaminos, Calauan, Bay).

ASSOCIATED HAZARD: Serious FLOODING is expected in flood-prone areas.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 5:00 PM today.

Source: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

πŸ“Œ Para sa Local Weather Updates, i-follow ang aming Facebook
page!
πŸ“ž Para sa katanungan at suhestyon:
πŸ“± Naic MDRRMO Hotline: 0917-812-8187
πŸ“§ E-mail: [email protected]

❗❗❗ LIGTAS TIGDAS KICKOFF❗❗❗MEASLES RUBELLA VACCINEMga ka-barangay!!Kita kits sa August 7, 2026 (friday) 8am @ Multi Pup...
06/08/2026

❗❗❗ LIGTAS TIGDAS KICKOFF❗❗❗
MEASLES RUBELLA VACCINE

Mga ka-barangay!!

Kita kits sa August 7, 2026 (friday) 8am @ Multi Pupose Hall Parkstone Walong Butas... Mga magulang dalhin ang mga bata 6 na buwan hanggang bago mag 5taon gulang!

Measles Rubella Vaccination (Ligtas sa Tigdas) at Vit A supplimentation para sa mga Batang Naicqueno upang maging Protektado!!!


Address

Barangay Hall Calubcob
Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Calubcob Naic Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share