11/01/2026
Ito po ang full list ng qualified BRO-Ed Scholarship Applicants.
Mangyaring gabayan ng mga sumusunod na tagubilin:
1. Registration
Ang mga kwalipikadong mag aaral ay maaari nang magsimula ng kanilang rehistrasyon sa pamamagitan ng BRO Ed Online Portal. Matapos makumpleto ang registration, i generate at i print ang BRO Ed Application Form.
Mahalagang Paalala:
Habang hinihintay pa ang pag upload ng validated list sa portal, pinapayuhan ang mga mag aaral na i print, sagutan, at isumite ang temporary BRO Ed Form kasama ang mga kinakailangang dokumento. Kapag ganap nang available ang portal, kinakailangan pa ring magsagawa ng online registration upang matiyak na ang bawat mag aaral ay may opisyal na profile sa system.
BRO Ed Portal:
https://broedisabela.ph
Temporary BRO Ed Form:
https://drive.google.com/file/d/1AaO-N1a7Lw_fiRKaj0nxEhJsatb4RYyt/view?fbclid=IwY2xjawPQQVxleHRuA2FlbQIxMABicmlkETExRDdHNnllVllCaVNpaDBlc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHmV8_zAkQTaV3Ygk6o37cnuukeOFkb7XbjATo77e9IsaNfmue8apXR6-Qu56_aem_E3cjx7_GyDHv1ZE4PuntKg
2. Mga Kailangang Dokumento
Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng mga sumusunod na dokumento kasama ang printed na BRO Ed Application Form:
a. Liham sa Gobernador na naglalaman ng buong pangalan ng mag aaral, kursong kinukuha, antas o year level, paaralan, dahilan ng pag aapply, at paliwanag kung bakit siya karapat dapat tumanggap ng scholarship
b. Assessment o Enrollment Form para sa 1st Semester AY 2025-2026
c. Certificate of Indigency
d. Grades
β’ Para sa mga first year students: Photocopy ng High School Card
β’ Para sa mga higher year students: Certificate of Grades para sa 2nd Semester AY 2024-2025 (orihinal na kopya, pirmado at may selyo o stamp ng paaralan)
e. 2 x 2 ID picture
f. Voterβs Certificate
3. Pagsusumite
Ang mga kumpletong application form at mga dokumento ay dapat isumite sa SK Chairperson, na siyang mag eendorso nito sa Local Youth Development Office (LYDO) o sa SK Federation President (SKFP), sa o bago ang Enero 14, 2026.
4. Pinal na Endorsement
Ang LYDO o ang SK Federation President ang magsasagawa ng konsolidasyon at magsusumite ng lahat ng aplikasyon at mga kalakip na dokumento sa Provincial Youth Development Office (PYDO).
Paalala:
Ang mga mag aaral na kabilang sa mga kategoryang "Additional", "Old Non-Marginalized", at "Old Marginalized" na nakatapos na ng kanilang renewal sa pamamagitan ng BRO Ed Portal ay hindi na kinakailangang magsumite pa ng mga dokumento.
Sa lahat ng OLD scholars na nakapag renew na sa BRO Ed Portal ngunit hindi kasama sa listahan, huwag mag alala. Ang inyong renewal application ay kasalukuyang pinoproseso at bineberipika na sa pamamagitan ng BRO Ed system.
Maraming salamat!