13/05/2025
Maraming salamat, District 2, sa inyong buong pusong suporta at pagtitiwala! Dahil sa inyong tiwala, ako’y muling pinagkalooban ng pagkakataong makapaglingkod bilang inyong Sangguniang Panlalawigan Member. Ang resulta ng halalan ay hindi lamang tagumpay ko, kundi tagumpay nating lahat—isang patunay na sama-sama nating naipaglaban ang boses ng mamamayan ng ating distrito.
Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon sa akin upang ipagpatuloy ang mas masigasig, tapat, at makataong paglilingkod.
Muli, mula sa kaibuturan ng aking puso—maraming maraming salamat, District 2!❤️🧡
Sa Diyos ang lahat ng pasasalamat at kaluwalhatian☝🏻