27/01/2026
https://www.facebook.com/share/p/1K1h6uy2Ku/
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Barangay ang nagsisilbing unang takbuhan sa pag-aayos ng ilang uri ng alitan sa komunidad. Alinsunod sa batas, may itinatag na proseso upang bigyang-daan ang mapayapa, mabilis, at maayos na pagkakasundo ng mga panig.
Ang prosesong ito ay isinasagawa sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, alinsunod sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991.
๐ Mga Hakbang sa Katarungang Pambarangay:
1๏ธโฃ PAGSAMPA NG REKLAMO
Ang sinumang may reklamo laban sa kapwa indibidwal, kung sakop ng Katarungang Pambarangay, ay maaaring maghain ng reklamoโpasalita o pasulatโsa Punong Barangay, bilang Tagapangulo ng Lupon ng Tagapamayapa.
2๏ธโฃ PAGTAWAG PARA SA MEDIATION
Sa loob ng susunod na araw ng trabaho mula nang matanggap ang reklamo, ipapatawag ng Punong Barangay ang nagrereklamo at inirereklamo, kasama ang kanilang mga saksi, para sa pagkakasundo o mediation.
3๏ธโฃ PAGTATAG NG PANGKAT
Kung hindi magtagumpay ang pagkakasundo sa loob ng 15 araw mula sa unang pagharap ng mga panig, magtatakda ang Punong Barangay ng petsa para sa pagbuo ng Pangkat ng Tagapagsundo.
4๏ธโฃ PAGDINIG NG PANGKAT NG TAGAPAGSUNDO
Ang Pangkat ay magpupulong sa loob ng 3 araw mula sa pagkakabuo nito upang pakinggan ang magkabilang panig at ang kanilang mga saksi, at humanap ng paraan para sa maayos na pagkakasundo.
5๏ธโฃ PANAHON PARA SA PAGKAKASUNDO
Binibigyan ang Pangkat ng 15 araw mula sa unang pagdinig upang magkasundo ang mga panig. Maaari itong palawigin ng karagdagang 15 araw kung may sapat na dahilan.
6๏ธโฃ AMICABLE SETTLEMENT
Ang lahat ng amicable settlement ay dapat:
โ๏ธ nakasulat
โ๏ธ nasa wikang nauunawaan ng mga panig
โ๏ธ nilagdaan ng magkabilang panig
โ๏ธ pinagtibay ng Punong Barangay o Tagapangulo ng Pangkat, kung alin ang naaangkop
๐ค Sama-sama nating itaguyod ang mapayapang pag-aayos ng alitan sa barangay bilang hakbang tungo sa mas matiwasay, nagkakaisang, at maunlad na komunidad.
๐ Dagdag Kaalaman mula sa Barangay Secretary Page
๐ Like | ๐ฌ Share | ๐ข Follow para sa iba pang impormasyon tungkol sa barangay governance