Municipal Government of Nagcarlan, Laguna

Municipal Government of Nagcarlan, Laguna Official page of the Municipal Government of Nagcarlan, Laguna.

01/06/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 📢

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makilahok sa isasagawang Active Case Finding: Free Chest X-Ray na hatid ng Rural Health Unit katuwang ang Philippine Business for Social Progress (PBSP) and Calabarzon.

June 4, 2026 | 8:00 AM – 12:00 NN
Yukos Elementary School, Brgy. Yukos, Nagcarlan, Laguna
Bukas po ito para sa unang 100 slots lamang.

Layunin ng programang ito na palakasin ang maagang pagdetect at pag-iwas sa mga sakit sa baga upang mapanatili ang kalusugan ng ating komunidad.

Hinihikayat ang lahat na makiisa at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan na ito.

Maraming salamat po.



01/06/2026
28/05/2026
27/05/2026

𝐄𝐈𝐃’𝐋 𝐀𝐃𝐇𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐅𝐞𝐚𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐞

Ang Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan ay nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong Mayo 27, 2026, isang regular holiday.

Nawa’y magsilbing paalala ang okasyong ito ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, malasakit, at pagkakaisa sa bawat komunidad.

Maligayang Eid’l Adha sa ating mga kapatid na Muslim.



26/05/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐂𝐀𝐑𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍
𝘚𝘤𝘩𝘦𝘥𝘶𝘭𝘦 𝘰𝘧 𝘙𝘪𝘤𝘦 𝘋𝘪𝘴𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯
𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬

Bilang pagpapatuloy ng programang pamamahagi ng libreng bigas ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan, narito ang iskedyul para sa susunod na batch ng distribusyon.

Layunin ng programang ito na makapagbigay ng karagdagang suporta sa bawat pamilyang Nagcarlangin sa gitna ng patuloy na hamon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa ilalim ng programang ito, bawat pamilya ay makatatanggap ng 𝟏𝟎 𝐤𝐢𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐠𝐚𝐬.

Paalala:
• Tanging mga benepisyaryong may hawak ng 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦 𝐬𝐭𝐮𝐛 na ipamamahagi ng mga opisyal ng barangay ang pagkakalooban ng bigas. Ang nasabing 𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦 𝐬𝐭𝐮𝐛 ay ipamamahagi lamang isang araw bago ang itinakdang schedule ng pamamahagi ng bigas upang matiyak ang maayos at organisadong distribusyon.
• Kung ang lahat ng pamilya ay nakatala sa listahang isinumite ng barangay sa MSWDO at walang nakaligtaan, lahat ng kabilang dito ay makakatanggap. Halimbawa, kung sa isang bahay ay may dalawa o higit pang pamilya na nakatala sa listahan, bawat pamilya dito ay makakatanggap.
• Mangyaring tiyakin na ang pupunta sa itinakdang venue ay may kakayahang magbuhat ng 10 kilong bigas.
• Ang mga barangay na wala pa sa kasalukuyang schedule ay kabilang sa mga susunod na batch.
Mangyaring patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo para sa iba pang iskedyul ng distribusyon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

25/05/2026
24/05/2026

Address

Rizal Avenue, Brgy. Poblacion II
Nagcarlan
4002

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495631202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Nagcarlan, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Nagcarlan, Laguna:

Share