12/07/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Narito ang ilan lamang sa mga mahahalagang programa, proyekto, at kaganapang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa buwan ng Hunyoโpatunay ng patuloy na dedikasyon sa paghahatid ng episyente, makabuluhan, at inklusibong serbisyo publiko para sa bawat Nagcarlangin.
๐ Hunyo 5 โ Idinaos ang Seremonya ng Huling Parangal sa Watawat ng Pilipinas bilang paggunita sa kahalagahan ng pambansang simbolo at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
๐ Hunyo 10 โ Kinilala ang Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan bilang isa sa mga nakapasa sa CY 2025 Good Financial Housekeeping, patunay ng maayos, tapat, at responsableng pamamahala sa pananalapi.
๐ Hunyo 12 โ Nakiisa ang Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan bilang paggunita sa kasaysayan at pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa.
๐ Hunyo 18 โ Dumalo si Punong Bayan Ark./Inh. Elmor Vitangcol Vita bilang panauhin sa PABO XII National Convention 2026, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga makabuluhang karanasan sa pagiging Building Official at Lingkod Bayan.
๐ Hunyo 19 โ Isinagawa ang paggunita sa ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Jose Rizal bilang pagpupugay sa kanyang mga naging ambag sa kasaysayan at kalayaan ng bansa.
๐ Hunyo 23 โ Matagumpay na naisagawa ang LGU Nagcarlan Serbisyo Caravan sa Brgy. Banca Banca, na naghatid ng iba't ibang serbisyo ng pamahalaan at iba pang programa sa mga mamamayan.
๐ Hunyo 30 โ Idinaos ang unang Kasalang Bayan 2026, kung saan pitong (7) magkasintahan ang ikinasal ni Punong Bayan Vita bilang bahagi ng pagsusulong ng matatag na pamilya at responsableng pamayanan.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan bilang patuloy na pagtupad sa adhikaing makapaghatid ng dekalidad na serbisyo publiko at mas mapabuti ang kapakanan ng bawat mamamayan.
Manatiling nakaantabay sa mga susunod pang programa, proyekto, at serbisyong hatid ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Punong Bayan Ark./Inh. Elmor Vitangcol Vita.