20/08/2026
๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐๐๐๐ฆ | ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Punong Bayan Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita sa pamamagitan ng Rural Health Unit at sa pakikipagtulungan nina 3rd District Representative Congressman Loreto "Amben" Amante, G. Rommel M. Lim at ng SMILE Partylist.
Narito po ang updated list of services para sa ating gaganaping Medical Mission sa Agosto 22, 2026 (Sabado), mula 7:00 AM hanggang 12:00 NN sa Municipal Multipurpose Gymnasium.
Ipinababatid din po na wala na pong Dental Services sa magaganap na Medical Mission. Sa halip, narito po ang mga serbisyong maaari nating ma-avail nang LIBRE:
General Medical Consultation
Laboratory Tests
ECG (Electrocardiogram)
Chest X-Ray
Ultrasound (Whole Abdomen at Pelvic)
PhilHealth YAKAP Registration
LIBRE DIN ANG MGA GAMOT para sa mga pasyenteng kwalipikado at nangangailangan nito.
Para naman sa mga magpaparehistro o magpapabago ng kanilang PhilHealth records, mangyaring dalhin ang mga kinakailangang dokumento:
Para sa Registration/Updating:
โข Photocopy ng Valid Government-Issued ID
โข Photocopy ng Birth Certificate (kung naaangkop)
โข Photocopy ng Marriage Certificate (kung naaangkop)
โข Iba pang supporting documents na kinakailangan para sa inyong request
Para sa mga Senior Citizens:
โข Photocopy ng Senior Citizen ID
โข Photocopy ng Valid Government-Issued ID
โข Photocopy ng Birth Certificate (kung naaangkop)
โข Photocopy ng Marriage Certificate (kung naaangkop)
โข Iba pang kinakailangang supporting documents
Para sa mga magulang na wala pang 60 taong gulang na may Permanent Disability at ilalagay bilang dependent:
โข Original Medical Certificate, na inisyu sa loob ng nakalipas na 6 na buwan
MAHALAGANG PAALALA:
Ang mga serbisyo ay FIRST COME, FIRST SERVED. Mangyaring ihanda at dalhin ang kinakailangang mga dokumento upang maging mas mabilis at maayos ang proseso ng registration, updating, at iba pang serbisyong medikal.
๐
August 22, 2026 (Saturday)
โฐ 7:00 AM โ 12:00 NN
๐ Municipal Multipurpose Gymnasium, Nagcarlan, Laguna
Mas maraming serbisyo, mas maraming kababayan ang matutulungan.
Makibahagi at samantalahin ang mga libreng serbisyong hatid para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Nagcarlangin.