03/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Narito ang ilan lamang sa mga mahahalagang programa, proyekto, at kaganapan ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan para sa buwan ng Mayoโpatunay ng patuloy na pagsisikap na maihatid ang episyente, makabuluhan, at inklusibong serbisyo publiko para sa bawat Nagcarlangin.
๐ Mayo 8 โ Pinasinayaan ang Grand Opening ng Nagcarlan Food Bazaar bilang bahagi ng pagsusulong ng lokal na negosyo at kabuhayan.
๐ Mayo 15 โ Isinagawa ang pamamahagi ng Fuel Subsidy para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association bilang tulong sa sektor ng transportasyon.
๐ Mayo 18 โ Naganap ang courtesy visit ni Punong Bayan Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita kay Dipolog City Mayor Roberto Y. Uy upang palakasin ang ugnayan.
๐ Mayo 19 โ Idinaos ang Kadiwa ng Pangulo sa bayan ng Nagcarlan na naghatid ng abot-kayang produkto sa mamamayan.
๐ Mayo 19 โ Tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan ang PHALGA Excellence Award, kasama si Gng. Joan Mila M. Co., Pambayang Akawntant, bilang pagkilala sa kahusayan sa larangan ng pananalapi at pamamahala.
๐ Mayo 22 โ Inilunsad ang Rice Distribution Program para sa bawat pamilyang Nagcarlangin.
๐ Mayo 23 โ Isinagawa ang pamamahagi ng Scholarship Grants para sa mga Senior High School Iskolar bilang suporta sa edukasyon ng kabataang Nagcarlangin.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga hakbang at inisyatibang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan tungo sa mas maunlad, maayos, at mas inklusibong pamayanan.
Manatiling nakaantabay sa mga susunod pang programa, proyekto, at serbisyong hatid ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Punong Bayan Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita.