30/05/2026
🎓 Congratulations sa mga Bagong Iskolar ni Pangulong Marcos sa Silangan Ilaya!
Isang malaking hakbang patungo sa katuparan ng mga pangarap ng ating kabataan!
🏛️✨Matagumpay na natapos kaninang umaga, Mayo 30, 2026, ang ating mahalagang pagpupulong sa Barangay Hall para sa maingat na screening, pag-repaso, at pinal na pagpili sa limang (5) 4th Year College Students na magiging opisyal na benepisyaryo ng scholarship program mula sa tanggapan ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.Isang masigabong pagbati sa limang mag-aaral na pinal na napili!
Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at malaking tulong pinansyal sa inyong huling taon sa kolehiyo upang makamit ang inyong mga diploma.Taos-pusong pasasalamat kay Punong Barangay Frank Sabandal Dado, Kagawad Randel Platero (Committee on Education), sa buong Sangguniang Barangay, at sa mga nakiisa sa deliberasyon upang masigurong naging patas, maayos, at karapat-dapat ang naging proseso ng pagpili.
Ipinagmamalaki kayo ng buong Barangay Silangan Ilaya, Nagcarlan, Laguna ! Ipagpatuloy ang inyong pagsisikap! 🤝❤️