SK Poblacion 3 - Nagcarlan, Laguna

SK Poblacion 3 - Nagcarlan, Laguna Official page of Sangguniang Kabataan ng Poblacion 3, Nagcarlan, Laguna.

14/03/2026

πŸ€πŸ NAGCARLYMPICS TRY OUT – DISTRICT 7

Calling all aspiring athletes of District 7! Ito na ang pagkakataon ninyo na ipakita ang inyong galing, disiplina, at teamwork sa larangan ng sports. Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa Nagcarlympics Try Out na gaganapin sa March 15, 2026 sa Municipal Gymnasium.

πŸ“Œ BASKETBALL
⏰ 7:00 AM – 11:00 AM
β€’ Midget Division – 17 years old and below
β€’ Junior Division – 18 to 24 years old

πŸ“Œ VOLLEYBALL
⏰ 11:00 AM – 12:00 PM
β€’ Men’s & Women’s Division
β€’ Must be 18 years old and above and a registered voter.

Layunin ng try out na makabuo ng mga koponang kakatawan sa District 7 sa darating na Nagcarlympics. Hinihikayat ang lahat ng kabataang may talento at interes sa basketball at volleyball na sumali at maging bahagi ng ating koponan.

Dalhin ang inyong determinasyon, sportsmanship, at puso para sa laro. Kita-kits sa court! πŸ”₯

09/03/2026
SK POBLACION III πŸ‘πŸ»
09/03/2026

SK POBLACION III πŸ‘πŸ»

19/02/2026

πŸ“’ ANUNSYO TUNGKOL SA LIGA

Sa mga nagtatanong po kung ano na ang balita sa liga, nais po naming ipabatid na huwag muna magpasa ng line-up hangga’t wala pa pong opisyal na anunsyo.

Napag-usapan po sa KK Assembly na ang mga kabataang umattend sa Assembly ang bibigyan ng priyoridad sa nalalapit na liga β€” mas una pang nagpapasa ay ang mga hindi naman umattend 🀭.

Sa kasalukuyan, ito po ay pinag-uusapan pa ng Sangguniang Barangay kasama ang iba pang barangay kung papayag sa napagkasunduang ito ng mga kabataang dumalo sa KK Assembly.

Humihingi po kami ng kaunting panahon at pang-unawa habang inaayos at nililinaw ang mga detalye upang maging patas at maayos ang ating liga.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta. πŸ’™

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng kabataang dumalo at aktibong nakibahagi sa ating KK Assembly. Ang inyong oras, pa...
15/02/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng kabataang dumalo at aktibong nakibahagi sa ating KK Assembly. Ang inyong oras, pakikiisa, at suporta ay patunay ng inyong malasakit at dedikasyon sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad ng kabataan. Pasasalamat po sa ating butihing LYDO. Patrick Sollorano at gayundin po sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion III Nagcarlan, Laguna.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang mga bagong halal na KKDAT Officers na handang maglingkod at maging katuwang sa pagpapatupad ng mga programa at adhikain para sa kabataan.

Gayundin, taos-puso ang aming pasasalamat sa aming Peer Educator na naglaan ng oras, kaalaman, at karanasan upang malinaw na maipaliwanag at talakayin ang limang mahahalagang paksa na makatutulong sa paghubog ng mas mulat, responsable, at empowered na kabataan.

Muli, maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang mas lalo pa nating paigtingin ang pakikilahok at pagtutulungan para sa mas maliwanag at makabuluhang kinabukasan ng kabataan. πŸ’™βœ¨



πŸ“’ CALLING ALL KABATAAN! πŸ“’1st Katipunan ng Kabataan Assembly 2026πŸ—“ February 15,2026⏰ 8:00 AMπŸ“ 3rd Floor, Red Building Bar...
06/02/2026

πŸ“’ CALLING ALL KABATAAN! πŸ“’
1st Katipunan ng Kabataan Assembly 2026

πŸ—“ February 15,2026
⏰ 8:00 AM
πŸ“ 3rd Floor, Red Building Barangay Poblacion 3

πŸ’° Isa sa mahalagang tatalakayin:
β€’ Proposed Budget ng Sangguniang Kabataan para sa Taong 2026
β€’ Mga programa at proyekto ng SK para sa Kabataan

πŸ—³οΈKKDAT Orientation and Election

πŸ—£ Mga Paksang Tatalakayin kasama ang ating Peer Educator:
β€’ Teenage Pregnancy
β€’ Mental Health and Wellness
β€’ Sexual Violence and Prevention
β€’ Substance Abuse and Prevention

πŸ“Œ Important Reminders:
βœ”οΈ Attend muna ng KK Assembly bago ang Liga πŸ€ͺ

✨ Kabataan Ay Dabest, Sa Poblacion Tres!


DAPC Week 2025: Linisan ActivityBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week, nagsagawa ang...
22/11/2025

DAPC Week 2025: Linisan Activity

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week, nagsagawa ang SK ng Linisan Activity upang ipakita na ang isang malinis na kapaligiran ay kaakibat ng isang malinis na pamumuhayβ€”malayo sa bisyo at nakatutok sa mabuting gawain.

Salamat sa lahat ng Kabataan, BCA Officers at 4P's na nakiisa. Patuloy tayong magsama-sama para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad. πŸ’™πŸ§Ή




DAPC Week 2025: Linisan ActivitySa pagdiriwang ng DAPC Week 2025, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa a...
19/11/2025

DAPC Week 2025: Linisan Activity

Sa pagdiriwang ng DAPC Week 2025, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa ating espesyal na aktibidad ngayong November 22, 2025(Sabado), ganap na 6 AM.

Isang umaga ng pagkakaisa, malasakit, at pakikilahok ang naghihintay habang sabay-sabay nating itaguyod ang mga programang nagtataguyod ng kaayusan at kaunlaran.

Tara na, at maging bahagi ng isang makabuluhang pagdiriwang!




Nobyembre 14, 2025 | Nagcarlan Seal of Heathy Barangay 2025 ✨Isang napakalaking karangalan ang makamit muli ng Sanggunia...
14/11/2025

Nobyembre 14, 2025 | Nagcarlan Seal of Heathy Barangay 2025 ✨

Isang napakalaking karangalan ang makamit muli ng Sangguniang Kabataan ang parangal bilang Most Functional Community-Based Teen Center, at higit pa rito, ang mapabilang sa Top 10 sa Nagcarlan Seal of Healthy Barangay ang Poblacion III. Ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang simpleng pagkilala, kundi patunay ng sama-samang pagsisikap, malasakit, at pagtutulungan ng bawat kasapi ng Barangay, bawat kabataan, bawat pamilya, at bawat lider na bahagi ng ating komunidad.

Lubos po ang pasasalamat namin sa Ama ng bayan ng Nagcarlan π€π«πœπ‘/𝐂.𝐄 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐄π₯𝐦𝐨𝐫 π•π’π­πšπ§πœπ¨π₯ π•π’π­πš, sa bumubuo ng Rhu Nagcarlan sa pangunguna ni Doc. Alvin Michael De Luna, sa bumubuo po ng Sangguniang Barangay ng Poblacion III sa pangunguna ni Kgg. Rey Senin at sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Kgg. Aprille Ortega SobreviΓ±as, sa aming masipag na Committee on Health Kgg. Hazel Laurice del Carmen at sa mga kasamahan naming masisipag na Volunteers.

Maraming salamat po sa tiwala at suporta.
Para sa kabataan!
Para sa komunidad!
Para sa mas maunlad na Barangay!
Mabuhay ang Bayan ng Nagcarlan!

Address

M. Doria Street Barangay Poblacion 3
Nagcarlan
4002

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Poblacion 3 - Nagcarlan, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share