07/12/2025
MALALAKING TAGUMPAY NAITALA NG PNP ACG SA LABAN KONTRA CYBERCRIME
Ipinahayag ng Philippine National Police, sa pamamagitan ng Anti-Cybercrime Group (PNP ACG), ang panibagong hanay ng matitibay na accomplishments para sa buwan ng Nobyembre 2025, bilang patunay ng pinaigting na operasyon alinsunod sa PNP Focus Agenda at direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang seguridad ng publiko sa digital space.
Mula Nobyembre 1 hanggang 30, nagtala ang ACG ng kabuuang 188 kasoโ120 sa regular filing at 68 sa inquest proceedings. Umabot naman sa 106 na indibidwal ang naaresto mula sa serye ng entrapment operations, service of warrants laban sa mga wanted persons, at isang rescue operation.
Nakapagpatupad din ang PNP ACG ng 97 cyber warrants, kabilang ang 89 Warrants to Disclose Computer Data, isang Warrant to Examine Computer Data, at pitong Warrants to Search, Seize, and Examine Computer Data.
Bukod dito, naisagawa ang 2,365 cyber patrolling activities, 68 digital forensic examinations, pagtulong sa 22 convicted individuals, pagligtas sa 18 biktima, at pagkuha sa kustodiya ng 15 na Children in Conflict with the Law (CICL).
Ipinahayag ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagbabantay ng ACG personnel:
โPatuloy nating pinaiigting ang ating laban kontra cybercrimeโnot only because it is our mandate, but because millions of Filipinos depend on us to protect them in the digital space. These accomplishments show clear progress, but they also remind us that the job is far from over. We are pushing for smarter, faster, and more coordinated cyber enforcement so every Filipino feels safe online.โ
Dagdag pa ni PLTGEN Nartatez, ang tuloy-tuloy na mataas na performance ng ACG ay malinaw na sumasalamin sa mga haligi ng PNP Focus Agenda: โLahat ng ito ay hindi lang numero. These are lives protected, scams prevented, and criminals stopped. This is what the President expects, and this is what the public rightfully deserves.โ
Habang papalapit ang holiday season, panahong karaniwang tumataas ang mga online scam, inaabisuhan ng PNP ang publiko na maging mas mapanuri lalo na sa online shopping, pagtanggap ng mga kahina-hinalang mensahe, at pakikipagtransaksyon sa digital platforms.
Binigyang-diin ni PLTGEN Nartatez na kadalasang sinasamantala ng mga kriminal ang Christmas rush: โMasaya ang Pasko, pero dapat mas maging maingat tayo. Think twice before clicking, sharing personal information, or dealing with suspicious offers.โ
Ipinakita rin sa ulat ng ACG para sa Nobyembre ang mas pinalakas na koordinasyon nito sa ibaโt ibang law enforcement agencies at private-sector partners upang matunton ang mga online fraud syndicates, online sexual exploitation cases, at iba pang lumalabas na banta sa cyberspace.
Samantala, binigyang-diin ng PNP Public Information Office Chief at PNP Spokesperson, PBGEN Randulf T. Tuaรฑo, na ang momentum ng ACG ay malinaw na palatandaan ng direksiyong tinatahak ng PNP sa ilalim ng kasalukuyang liderato:
โOur message is clear: walang puwang sa ating komunidad ang mga cybercriminal. As long as they continue to prey on the public, the PNPโespecially the ACGโwill be relentless in pursuing them.โ
Tiniyak ng PNP sa publiko na mananatiling pangunahing prayoridad ang cybercrime prevention, digital security, at victim protection lalo na ngayong papalapit ang Kapaskuhanโpanahong madalas samantalahin ng online scammers.