Onsite Youth Organization

Onsite Youth Organization Rise and thrive. Changing lives

Happy birthday, Kap. Randy β€œSamboy” Rongavilla!πŸ₯³Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang...
06/09/2026

Happy birthday, Kap. Randy β€œSamboy” Rongavilla!πŸ₯³

Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na tagumpay sa inyong paglilingkod sa ating komunidad..

Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa mga kabataan..🫑🫢🏻

Pagbati mula sa Onsite Youth OrganizationπŸ§‘πŸ’œ

Happy Pride Month! πŸ³οΈβ€πŸŒˆBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, ang Onsite Youth Organization sa pangunguna ni Pr...
20/06/2026

Happy Pride Month! πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, ang Onsite Youth Organization sa pangunguna ni Pres/Sk Kagawad Asp Ajie Calanasan ay buong pusong namahagi ng hygiene kits para sa ating mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ang simpleng handog na ito ay sumisimbolo ng ating pagmamalasakit, paggalang, at suporta sa isang komunidad na patuloy na nagsusulong ng pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap. Nawa'y magsilbi itong paalala na ang bawat isa ay karapat-dapat na tratuhin nang may dignidad, respeto, at pagmamahal, anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan.

Sa buwang ito ng Pride, patuloy nating ipagdiwang ang ating pagkakaiba-iba, palakasin ang ating pagkakaisa, at itaguyod ang isang lipunang inklusibo kung saan walang naiiwan at lahat ay may lugar.

Happy Pride Month! 🌈
Mula sa Onsite Youth Organization πŸ’™πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

β€ΌοΈπŸ‡΅πŸ‡­ ARAW NG KALAYAAN 2026 πŸ‡΅πŸ‡­β€ΌοΈNgayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng mga bayaning na...
12/06/2026

β€ΌοΈπŸ‡΅πŸ‡­ ARAW NG KALAYAAN 2026 πŸ‡΅πŸ‡­β€ΌοΈ

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay-daan sa ating kalayaan. Bilang kabataan, tungkulin nating ipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng pagiging responsable, makabayan, at aktibong mamamayan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga laban upang patuloy nating mahalin at paglingkuran ang ating bansa.

Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa On-Site Youth Organization! Mabuhay ang kabataang Pilipino, mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨β€ΌοΈ


Kilalanin ang mga Natatanging Lider ng Onsite Youth Organization!Malugod po naming ipinapakilala ang Opisyal na Organiza...
07/06/2026

Kilalanin ang mga Natatanging Lider ng Onsite Youth Organization!

Malugod po naming ipinapakilala ang Opisyal na Organizational Chart ng Onsite Youth Organization. Sila ang mga kabataang handang maglingkod, mamuno, at magsulong ng mga programang makatutulong sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at dedikasyon, sama-sama nating isusulong ang mga adhikain ng organisasyon para sa kapakanan ng bawat kabataan.

Isang Organisasyon. Isang Layunin. Isang Puso sa Paglilingkod.πŸ’œ



Happy Pride Month!πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ«ΆπŸ»Sa lahat ng ating mga kapatid at kaibigan sa komunidad ng LGBTQIA+, isang taos-pusong pagbati ng...
06/06/2026

Happy Pride Month!πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ«ΆπŸ»

Sa lahat ng ating mga kapatid at kaibigan sa komunidad ng LGBTQIA+, isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Pride Month. Nawa’y maging paalala ang buwang ito ng kahalagahan ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay, at kalayaan na maipahayag ang ating tunay na sarili nang walang takot o panghuhusga.
Ipagdiwang natin ang ating mga pagkakaiba at pagkakaisa, at patuloy na maging inspirasyon sa isa’t isa sa pamamagitan ng kabutihan, katatagan, at pag-asa. Sama-sama nating isulong ang isang lipunang may pag-unawa, pagtanggap, at pantay na oportunidad para sa lahat.

Happy Pride Month! Ipagmalaki kung sino ka, magmahal nang may respeto, at patuloy na maging ilaw at inspirasyon sa ating komunidad. πŸŒˆπŸ’–

β€ΌοΈβœ¨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA βœ¨β€ΌοΈMatagumpay na naisagawa ang pagpaplano para sa mga paparating na proyekto ng Onsite Youth...
03/06/2026

β€ΌοΈβœ¨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA βœ¨β€ΌοΈ

Matagumpay na naisagawa ang pagpaplano para sa mga paparating na proyekto ng Onsite Youth Organization sa Pangunguna ni Sk Kagawad Aspirant/ OYO President Ajie Calanasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito para sa kabataan. 🀍

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa aming mga panelists na sina Miguel Albarico at Russel Tamayo sa pagbabahagi ng kanilang oras, kaalaman, at mahahalagang payo na tunay na naging inspirasyon sa aming mga kabataan. 🫑🫰

Lubos din po ang aming pasasalamat kina Kapitana Merced Moldez Mesina at SK Chairman aspirant Waki Protacio para sa ipinagkaloob na food sponsorship.

Maraming salamat po sa inyong suporta at kabutihang-loob para sa lahat ng dumalo sa programa. 🫢

Patuloy po nating suportahan at palakasin ang pagkakaisa at kakayahan ng kabataan para sa mas maunlad na komunidad. πŸ’ͺ✨


Happy Birthday, Vice Mayor Phanie Teves! πŸŽ‰πŸ’™On this special day, we extend our warmest greetings and best wishes to you. ...
01/06/2026

Happy Birthday, Vice Mayor Phanie Teves! πŸŽ‰πŸ’™

On this special day, we extend our warmest greetings and best wishes to you. May your birthday be filled with happiness, good health, success, and countless blessings.
Thank you for your dedication, leadership, and service to the community. May you continue to inspire and make a positive difference in the lives of many.
Wishing you a wonderful celebration and a year ahead filled with joy, peace, and prosperity.

From: Onsite Youth Organization ❀️

AWARDING CEREMONYπŸ†πŸ…Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nanalo at lumahok sa ating palaro. πŸ†πŸ‘  ito ay simbolo ng inyong...
27/04/2026

AWARDING CEREMONYπŸ†πŸ…

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nanalo at lumahok sa ating palaro. πŸ†πŸ‘ ito ay simbolo ng inyong sipag, tiyaga, at sportsmanship na ipinakita sa buong laban. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa upang maging matagumpay ang ating programa. Hanggang sa susunod na labanpatuloy ang pagkakaisa at tagumpay! πŸŽ‰πŸ

Champion- Booz Army
1st Placer- Phanters
2nd Placer- Mbhs Prime Spikers
3rd Placer- Creamline

Mhytical 6

Phanters- Russel Tamayo
Prime Spikers- NiΓ±o Yodico
Booz Army- Christopher Lopena
Phanters- James oliva
Booz Army- Raymond Alipio
Phanters- John Benedict Ramos

Individual Awards

Best Outside hitter- NiΓ±o Yodico
Best Opposite hitter- John Paul Rabe
Best Spiker- Russel Tamayo
Best Setter- Johnlloyd Baacan
Best Middle Blocker- Cerwin Ulanday
Best Digger- Gel Valdez Albarico
Best Libero- Booz Moldez

PAGBATI PO SAINYO LAHAT!!🫑🫢🏻

π‘π‘Žπ‘π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘”π‘Žπ‘›π‘‘π‘Žπ‘›π‘” π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€ 𝑛𝑔 π‘π‘Žπ‘”π‘˜π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘–π‘ π‘Ž, π‘ π‘π‘œπ‘Ÿπ‘‘π‘ π‘šπ‘Žπ‘›π‘ β„Žπ‘–π‘, π‘Žπ‘‘ π‘šπ‘”π‘Ž 𝑑𝑖-π‘šπ‘Žπ‘™π‘–π‘™π‘–π‘šπ‘’π‘‘π‘Žπ‘›π‘” π‘ π‘Žπ‘›π‘‘π‘Žπ‘™π‘–! πŸπŸ†βœ¨Ang One Day League ng Onsite Youth O...
27/04/2026

π‘π‘Žπ‘π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘”π‘Žπ‘›π‘‘π‘Žπ‘›π‘” π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€ 𝑛𝑔 π‘π‘Žπ‘”π‘˜π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘–π‘ π‘Ž, π‘ π‘π‘œπ‘Ÿπ‘‘π‘ π‘šπ‘Žπ‘›π‘ β„Žπ‘–π‘, π‘Žπ‘‘ π‘šπ‘”π‘Ž 𝑑𝑖-π‘šπ‘Žπ‘™π‘–π‘™π‘–π‘šπ‘’π‘‘π‘Žπ‘›π‘” π‘ π‘Žπ‘›π‘‘π‘Žπ‘™π‘–! πŸπŸ†βœ¨

Ang One Day League ng Onsite Youth Organization ay tunay na naging matagumpay na kaganapan na puno ng sigla, pagkakaisa, at samahan. Mula sa unang laro hanggang sa huling pito ng referee, ipinakita ng bawat koponan ang kanilang husay, determinasyon, at respeto na siyang nagbigay saysay sa liga. Hindi lamang ito simpleng paligsahan ito ay naging pagdiriwang ng pagkakaibigan at diwa ng komunidad.

Bawat spike, bawat save, bawat puntos, at bawat sigawan ng suporta ay nagpakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa at sportsmanship. Ang event na ito ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo ito ay tungkol sa pagsasama sama ng kabataan, pagbuo ng bagong pagkakaibigan, at paglikha ng mga alaalang mananatili habambuhay. 🀝🀍

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong para maisagawa ang programang ito.. Sana po ay patuloy nyong suportahan ang mga susunod na proyekto ng OYOπŸ₯°πŸ«ΆπŸ»



Address

Onsite Buli
Muntinlupa City
1771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Onsite Youth Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share