31/03/2026
Happy to report na mahigit 31,000 liters o katumbas na โฑ3 milyon na halaga ng fuel ang natipid ng Pamahalaang Lungsod sa loob lamang ng dalawang linggo mula nang ipatupad natin ang austerity at energy conservation measures.
Maraming salamat sa mga kawani ng local and national government agencies (PNP, SDO, BJMP, DILG, COA, at BFP) na nakiisa sa mas maingat at mas disiplinadong paggamit natin ng resources.
Kabilang dito ang strategic na pagplano ng byahe ng mga sasakyan, at mas mahigpit na pagpapatupad ng โOFFICIAL USE ONLYโ para sa mga government vehicles. (Gaya ng nasabi ko noon, kung may makita kayong lumalabag dito, i-report ninyo sa Muntinlupa Helpdesk)
Kontribusyon din natin ito sa panawagan ng Malacaรฑang na magpatupad ng austerity measures sa gitna ng krisis sa Middle East na nakaapekto sa suplay at presyo ng gasoline at diesel.
Sa kuryente naman, inaasahan din nating makakatipid tayo sa konsumo. Nagpatupad tayo ng compressed 4-day work week (maliban sa frontline offices at responders), itinakda ang thermostat sa 24ยฐC (binawasan din nang dalawang oras ang paggamit ng aircon sa lahat ng tanggapan at ang pagpatay ng ilang ilaw sa mga tanggapan sa City Hall), at naglatag ng iba pang energy conservation measures sa ating mga tanggapan.
Sa bawat natitipid, may naiipon tayong pondo na puwedeng magamit sa panahon ng krisis o kung kailangang umalalay agad sa mga kababayan natin.