05/09/2026
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป.
Mahalagang lumaki ang mga bata sa malinis at maayos na lugar para matuto at maglaro. Kaya patuloy na inilalapit ang tamang hygiene practices sa bawat Batang Juan.
Sa pagtutulungan ng Batang Juan Network (BJN), One Muntinlupa, at HappyTap Philippines, naihatid ang HappyTap Portable Handwashing Stations sa ECED centers sa Mayon Volcano, Manulife GK, CamSur at Soldier Hills, Putatan.
Kasabay nito ang WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) learning activities na nagtuturo sa mga bata ng tamang hygiene habits, malinis na tubig, sanitasyon, at kalinisan.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang Batang Juan Network na magbahagi tungkol sa early detection at mahalagang papel ng mga magulang at ECED workers sa maagap na pagtukoy at pagtugon sa pangangailangan ng mga bata.
Bilang bahagi ng adbokasiya ng BJN, patuloy nating isinusulong ang karapatan, proteksyon, edukasyon, pag-unlad, at kapakanan ng bawat Batang Juan.
BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!